ETHAN
"Tara na sa kwarto babe." Malanding sabi ng babaeng kasama ko ngayon. What is her name again? Jamie? Jane?
"Leave" i said using my cold voice. Nanlaki naman ang mata nya na halatang gulat na gulat.
"W-what?" Tss. Deaf.
"Don't made me repeat myself. Get out!" Napasigaw na ako because of this damn frustration.
Narinig ko na lang ang malakas na kalabog ng pinto, sign that the b***h is already left.
Tinitigan ko ang mga pagkain sa mesa. Did Ynna cooked this all for me? My heart almost jump at the thought. The Hell! What's wrong with my heart?
Tinikman ko yung kare-kare. It taste good. I mean great. Namiss ko tuloy yung luto ni lola. After i ate ay inilagay ko ang mga pagkain sa ref. May laro kami ng basketball ngayon.
--
Pagdating ko sa gym ay medyo late ako. Umuulan kasi kanina paglabas ko ng condo. Medyo traffic din. Madami ng tao sa loob pero di pa nagsisimula yung laro. Iniikot ko yung mata ko para hanapin sya, pero wala pa.
Maybe later ay dadating din yun. Knowing her, alam nya lahat ng schedules ko kahit mga practices. f**k! Bakit ko ba sya hinahanap?
Nagpakita na ako sa team at medyo nagpahinga dahil Magsisimula na ang laro.
As we went outside the crowd became wild. Sanay na kami dyan. Pero parang may kusang pag-iisip ang mga mata ko at hinahanap sya. Where is she? Madyo naiinis na ako dahil late na nga sya kahapon late ulit sya ngayon. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hinahanap ko sya.
Nasanay na siguro ako sa presence nya dahil for the last four years ay lagi syang buntot ng buntot sa akin. Nagsimula na ang game at nagsimula na din akong maging tuliro. Parang wala ako sa sarili ko. f**k!!!
2nd Quarter na at umaasa akong may sisigaw ng 'GO! MAHAL!' Mula sa audience but i was wrong. Natapos ang laro at kahit anino nya ay hindi ko nakita. Damn!
Nanalo naman kami kaya lang ay nasermonan ako ni Coach Arnel. Wala daw ako sa sarili ko everytime na may game kami. Aminado naman ako eh. Ang hindi ko lang matanggap ay nawawala ako sa sarili when she's not around. Praning na ata ako.
--
When i was about to take the shower, i checked my phone first. But the hell with that woman! Walang text o missed calls man lang which is nakakapanibago talaga. Every time na magbubukas kasi ako ng phone ay pangalan nya agad ang bumubungad. Hindi naman importante yung mga text nya actually mga nonsense nga like:
'Mahal, kumain ka na? Wag kang palipas ng gutom ah? Mahal kita. Muah :*'
'Mahal, gising na!! Hahalikan kita pag di ka pa bumangon. Love you :*'
'Mahal, good night! Dream of me ah? Imagine kayakap mo ako. I super love youuuuu. :*'
Nakakainis na nga minsan kaya yung iba ay di ko na binabasa. Nagcompose lang ako ng new message para sa kanya.
To: Mahal ko
Coach Arnel's house.
Sent.
Don't get me wrong. Sya ang nagpalit ng name nya sa phone ko. Nainis ako sa kanya that time. Halos ibalibag ko sa kanya yung cellphone ko. Pakialamera kasi pero ngumiti lang sya at inasar ako na kinikilig lang daw ako. Psh. As if naman. But I'm used to it. I texted her para kung gusto man nyang pumunta ay alam nya kung saan, don't get me wrong agin. Ayaw ko syang makita kaya lang medyo naguilty ako sa ginawa ko sa kanya kanina. I know it hurts sa part nya.
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
10 minutes na akong naghihintay ng reply mula sa kanya but damn it! Walang reply kahit 'ok' man lang. f**k! Kaya pabalibag kong inilagay ang phone ko sa locker at nagsimula ng magshower.
Nakatapos na akong magshower at nakapagbihis na din when i get my phone. But the hell! Wala talaga syang reply! Nagcompose ulit ako.
To: Mahal ko
We're going.
5 minutes akong naghihintay ng reply ngunit wala pa din. Dati ay tatawag pa sa akin yun pag nagtext ako sa kanya. Tatawag lang sya para tanungin kung may lagnat daw ba ako dahil tinext ko sya.
"Ethan, let's go." Tawag ni Miko at umalis na. Padabog naman akong sumunod sa kanya. 12:00 pa lang ng tanghali kaya wala pang bukas na bar ngayon. kila coach arnel muna kami magpa-party. Tapos sa bar mamaya.
Hanggang sa makarating kami kila coach ay sobrang badtrip ako. I don't know why! Gusto ko na lang manapak.
"Bro!" Bati sa akin ni Miko. Teammate ko, inirapan ko lang at hinarap ang cellphone ko. we're not that close. Umupo sya sa sala katapat ko. Bakit ba ayaw nyang magreply? Bullshit!
"Bro!" Napatingin kami sa lalaking may dalang isang bote ng alak. Tss. Johan, he's my friend. Bugok yan.
Tumingin-tingin pa ang gago sa paligid pagkatapos ay ngumisi at umupo sa tabi ko. Nakikitingin pa ng message amputa! Kalalaking tao, chismoso! Ako naman si tanga na tinatago ang cellphone.
"Asan si Mahal? Himala wala kang buntot ngayon." Aniya sabay lagok ng alak na hawak nya at umakbay pa sa akin. Biglang nag-init ang ulo ko! Mahal your face! Tiningnan ko lang sya ng masama. Sabay alis ng kamay nyang naka-akbay sa akin. Baliin ko kaya buto neto?
Tumawa lang sya ng mahina. "Pero pre, wala ka ba talagang feelings kay Ynna kahit konti lang? Ang ganda naman nya ah? Sexy pa! Tapos mabait at caring. Ano pa hanap mo? Package deal na bro!" Aniya at sinuntok pa ako ng mahina sa braso, napupuno na ako ng gago na 'to, ibig sabihin humahanga din sya sa Ynna ko? Putangna nya!
Tss. Ewan ko. Di ko alam, naguguluhan ako. Ayoko syang buntot ng buntot sa akin pero naiinis naman ako pag di ko sya nakikita. Baliw na ata ako. Natutuwa ako sa iba nyang ginagawa pero ayokong ipakita sa kanya.
Minsan nga i mean madalas nga ay gusto kong sundutin sa mata ang mga lalaking tingin ng tingin sa kanya. Ayoko din na may iba syang nginingitian. Gusto ko din tuwing tinatawag nya akong 'mahal' pero naiinis ako sa kakulitan at presence nya! Ang gulo ko!
"Hoy!, ano na pre! Natulala ka dyan? Siguro mahal mo na din noh? Yieeee" tss. Kahit kailan talaga kalalaking tao ng demuho!
"Tsk. Never." Of course i denied.
"Ah. Okay, Kilala mo si Harvey Gomez?" Tumango lang ako. Foot ball player yun. Naiinis nga ako minsan sa kanya because like Ynna ay palangiti sya. They're both clever and unlike me, I'm cold and serious.
"Malakas tama nun sa buntot mo pre. Gustong ligawan eh. Kaya lang akala ko may feelings ka na kaya binawal ko muna. Eh, wala naman pala. Syempre kaibigan ko kayo pareho, Ayoko namang mag-away kayo dahil lang sa babae." Saad nito at tinabihan si Miko para usyosohin.
Gustong ligawan.
Gustong ligawan.
Gustong ligawan.
Damn. Damn. Damn. It can't be. f**k! Ayoko! Bullshit!
LEGENDARIE