Nakatali ang mga kamay ni Fiona habang kinakaladkad siya ni Ramon patungo sa VIP room.
At nang makarating sila ay agad siyang tinulak sa loob at doon nga ay halos mapasubsob siya sa kama.
Agad pang nilingon ni Fiona ang papasarang pintuan at mabilis na kumilos ngunit hindi niya 'to naabutan nakabukas.
"Buksan niyo po ang pintuan. Pakawalan niyo po ako rito!" Sigaw pa ng dalaga ngunit wala siyang nagawa.
Samantalang kinausap si Ramon ng lalaking nakasuot ng maskara.
"Bakit nasa 'yo si Fiona?" Agad na tanong nito.
"Hindi ko na. Kailangang sagutin pa ang tanong ninyo. Ang mabuti pa ay puntahan niyo na siya sa kanyang silid at hinihintay na niya kayo." Makahulugang sagot pa ni Ramon.
"Alam mo bang, minor de-edad pa si Fiona." Muli pang saad ni Lorenzo at inilapag sa harapan nito ang birt certificate ng dalaga.
"Ngayon, kung ayaw mong ipasara ko 'to. Sagutin mo kung bakit nasa 'yo si Fiona!" Galit na tanong ni Lorenzo.
"Hu-huwag niyo pong ipasara ang club ko. Sasabihin ko na. Magkaibigan kami ni Delia at kailangan niya ng malaking Pera para sa anak niyang nag-aagaw buhay ngayon sa hospital." Sagot nito na kinakabahan.
"Ano'ng klase siyang ina." Saad pa ni Lorenzo na naikuyom ang kamao.
"Magkaibigan kamo kayo ni Delia? Paano kayo naging magkaibigan?" Tanong pa ng binata na nag-uusisa.
"Noong kabataan niya dito rin siya nagtatrabaho. At naging customer niya dito ang ama ni Fiona na si Romeo." Saad naman ni Ramon.
"Ano pang alam mo tungkol kay Delia? Sabihin mo lahat ng nalalaman mo!" Galit pa muli na sigaw ng binata.
Agad na napaluhod si Ramon sa harapan ni Lorenzo at muli 'tong nagsalita.
"Hindi anak ni Delia si Fiona. Anak lamang siya ni Ramon sa namayapa nitong asawa. Parang awa mo na. Huwag mong ipasara ang club ko." Muling pagmamakakaawa ni Ramon.
"Kaya pala gano'n na lang ang trato niya kay Fiona. Ngayon alam ko na," aniya na lamang ni Lorenzo sa kanyang isipan.
"Pumirma ka ngayon din dito!" Aniya pa ng binata.
Agad na pumirma si Ramon dahil sa takot na ipasara at ipakulong siya ng lalaking kausap nito.
At mabilis na lumabas ng silid si Lorenzo.
Habang nakaupo si Fiona sa kama ay nakaramdam 'to ng takot nang marinig ang yapak ng sapatos na papalapit sa kanya. Hanggang bigla na lang bumukas ang pintuan.
Doon ay agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Ngunit laking gulat niya at dahan-dahan na iminulat ang kanyang mga mata nang maramdaman ang tela na bumalot sa kanyang katawan.
Hanggang sa maramdaman at makita niyang binuhat siya ng lalaking nakamaskara na agad niyang kinagulat.
"Siya na naman," aniya pa nito sa kanyang isipan na para bang nabunutan ng tinik at nakaramdam ng kapayapaan nang makita niya 'to.
Nakaramdam siya ng hiya nang naibaba na siya sa loob ng sasakyan.
"Puwede po bang sa hospital niyo na lang ako dalhin. Nandoon po kasi ang Inay ko at ang kapatid ko." Pakiusap ng dalaga.
"Hindi. Dahil magmula sa araw na 'to ay mansyon ka na titira." Saad naman ni Lorenzo.
"P-Po? Pero bakit po?" Agad naman na tanong ni Fiona.
"Huwag ng marami pang tanong. Basta sumunod ka na lang. Edgar, tayo na. " Utos pa ng binata. Kung kaya agad na nagmaneho ang driver.
Tahimik lang si Fiona sa loob ng sasakyan. Ngunit nababakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Habang nasa byahe sila ay hindi man lang magawang tingnan ni Fiona ang katabi nito. Dahil maliban sa nahihiya siya ay hindi nito alam kung paano siya magpapasalamat.
Hindi naman nagtagal ay nakatulog na sa byahe ang dalaga. Pa baling-baling ang ulo nito. Hanggang sa naisandal sa balikat ni Lorenzo.
Naramdaman naman 'yon ng binata, ngunit hinayaan lang niya 'to.
Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na sila.
"Señorito, ang mabuti pa po ay ako na ang magbubuhat sa silid niya. Dahil nangawit kayo at hindi nakatulog sa byahe." Saad naman ni Edgar at akmang bubuhatin niya sana'to nang magsalita ang binata.
"Ako ng bahala sa kanya. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na rin."
Tulog mantika ang inosenteng dalaga at para bang angel itong natutulog. Kung kaya hindi maiwasang pagmasdan ito ng binata.
"Señorito, maari po ba kayong lumabas? At bibihisan ko na ng damit ang binibini." Pakiusap ni Manang.
Walang imik na lumabas ng silid si Lorenzo at doon nga ay nagtungo siya sa terrace.
"Señorito, mukha po yatang may bumabagabag sa inyo. May maitutulong ba ako?" Tanong ni Edgar sa kanya.
"Bukas na bukas din ay kailangan nating puntahan si Delia at magdala ka ng malaking halaga." Aniya nito na nakatanaw sa malayo habang umiinom ng wine.
"Masusunod po, Señorito." Agad naman na saad ni Edgar at iniwan na siya nito.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Fiona at dali-dali 'tong bumangon at dahan-dahan na binuksan ang pintuan upang lumabas ng silid.
Nilibot niya ng paningin ang loob ng mansyon. Gaya ng una niyang pasok ay madilim doon at iilang dim light lang ang nakasindi. Binuhat nito ang kanyang sapin sa paa upang hindi makagawa ng ingay.
"Kailangan kong maakalis dito at puntahan ang kapatid ko sa hospital." Aniya pa ng dalaga sa kanyang isipan.
Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan hanggang at doon nga ay hiningal siya dahil sa taas at dami ng step. Hindi rin nagtagal ay nakarating siya sa main door na malaki at mataas.
"Naku, po! Hindi kaya maingay 'to kapaga tinulak ko? Or kaya ko kaya 'tong buksan? Mukha pa namang mabigat." Aniya nito sa kanyang isipan.
Ngunit nang dahan-dahan na niyang bubuksan ay nakaranig siya ng boses.
"Sa'n ka pupunta?"
Agad na nakaramdam ng takot at kaba si Fiona nang marinig ang boses na 'yon.
"A-Uhm... U-uwi na po ako. Baka po kasi nag-aalala na si Inay at ang kapatid ko po." Sagot ni Fiona na nauutal.
"Hindi ko ba nasabi sa 'yo na dito ka na titira? At hindi ka puweding umalis sa mansyon na 'to ng walang pahintulot ko." Saad ni Lorenzo at dahan-dahan 'tong naglakad pababa ng hagdan. At habang naglalakad 'to ay rinig na rinig ang mga yapak nito.
"Gusto ko lang sanang makita at kumustahin ang kapatid ko sa hospital." Aniya pa ni Fiona.
"Magmula sa araw na 'to ay hindi muna puweding makita at makausap sila. Hanggang hindi ko sinabi. Maliwanag ba?" Saad pa ng binata na nasa harapan na ng dalaga.
Agad na yumuko ang dalaga at sumagot 'to "Opo, Señorito."
"Edgar. Tayo na," wika pa ng binata.
Maya maya pa ay bumakas ang malaking pintuan ng masyon at doon nga ay nakita ni Fiona si Lorenzo na dali-daling sumakay ng sasakyan at hindi nagtagal ay umandar at nawala na sa paningin ni Fiona.
"Saan kaya sila papunta?" Tanong pa ng dalaga sa kanyang isipan.
"Gising ka na pala, binibini. Ang mabuti pa ay mag-almusal ka na. Saglit lang at paghahanda kita." Aniya naman sa kanya ni Manang.
"Puwede po ba akong magtanong?" Agad na tanong ng dalaga.
"Ano 'yon?"
"Saan po sila pupunta?" Tanong pa ng dalaga.
"Iyon ang hindi ko alam. Tanging si Señorito at Edgar lang ang nakakaalam." Sagot nito.
"Bakit po kaya bawal akong lumabas ng masyon?" Muli pang tanong ng dalaga.
"Alam mo, kung ano ang sinabi sa 'yo ni Señoreto. Makinig ka na lang at sundin mo kasi 'yon ang makakabuti sa 'yo." Saad pa ni Manang.
"Bakit ko naman siya kailangang sundin? Eh, hindi naman niya ako pag-aari." Napatanong pa ng dalaga at napaisip ito.
"Huwag kang gagawa ng ikakagalit ni Señorito. Hindi mo magugustuhan ang kapalit ng pagsuway mo sa kanya. Pinaalalahanan na kita." Aniya pa ni Manang.
"Huwag po kayong mag-alala. Hindi naman po kayo madadamay," aniya pa ng dalaga.
"Ang mabuti pa ay mag-almusal ka na. Baka gutom lang 'yan," saad pa ni Manang na nag-umpisa ng maghanda ng makakain sa hapagkainan.
"Wow! Ang daming pagkain. Ang mabuti pa po ay sabayan niyo na akong kumain," nakangiti pang saad ni Fiona kay Manang.
At dahil dalawa lang silang naroon sa mansyon ay sinabayan nga ni Manang si Fiona na kumain.
"Manang, bakit po apat lang tayong nandito? Wala po bang mga magulang at kapatid si Señorito?" Usisa pa ng dalaga.
"Bakit ka nagtatanong, binibini?" Balik na tanong nito.
"Wala lang po. Kasi nagtataka lang ako."
"Mukha yatang gusto mong makilala ang Señorito namin, ah." Nakangiti pang saad ni Manang.
"Naku! Hindi naman po sa gano'n. Gusto ko lang png malaman para kahit paano ay may alam po ako tungkol sa kanya." Agad na saad dalaga at nagsubo 'to ng kanina.
"Pasinsya ka na. Pero may mga bagay kasi na hindi na natin dapat pang panghihimasukan. Saka huwag kang mag-alala. Dahil dito ka na nakatira mas makikilala mo na si Señorito." Saad pa ni Manang.
Pagkatapos kumain ng almusal ay sinamahan ni Fiona na maghugas ng plato si Manang at gano'n din sa paglilinis ay sinamahan niya 'to.
SAMANTALANG dumating na sila Lorenzo at Edgar sa hospital kung saan na confined ang kapatid ni Fiona.
"Mrs. Duminguez, maari ba kitang kausapin?" Tanong ni Edgar ginang.
"Oo naman, kilala kita. Ikaw 'yong isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga Salvacion di ba?" Saad pa ng ina ni Fiona.
"Mabuti po at kilala niyo pa ako. Doon po tayo sa labas," wika ni Edgar at sumunod naman ang ginang.
"Ang daming Pera nito. Para saan 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Delia at nagniningning ang mga mata nito.
"Galing hu kami ng club. Kung saan ninyo binenta si Fiona. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Delia. Dalawang milyon piso kapalit ni Fiona." Saad ni Edgar.
"Oo naman. Pumapayag ako, ang totoo ay wala naman talagang silbi ang babae na 'yon at pabigat lang siya." Aniya pa ni Delia na namimilog ang mga mata kita sa mukha nito ang pagkagahaman sa salapi.
"Ang mabuti pa ay pumirma ka na agad sa kasulatan. Para makuha mo na lahat itong pera." Aniya pa ni Edgar.
Hindi na binasa ni Delia ang kasulatan at agad na 'tong pumirma.
"Salamat at pakisabi kay Señorito na maraming salamat." Aniya pa ng ginang kay Edgar.
"Señorito, tinanggap po niya ang alok ninyo." Ani pa ni Edgar nang nakabalik na ito sa sasakyan.
"Mukha talaga siyang pera," aniya pa ni Lorenzo.
"Tama po kayo, Señorito. Mabuti na lang at nasa inyo na si Fiona." Aniy naman ni Edgar..
"Tayo na at kahit kailan ay Hinding-hindi na nila makukuha pa si Fiona." Wika pa ni Lorenzo.