Katatapos lamang magdilig ni Fiona ng halaman nang mapansin nito ang papalapit na sasakyan.
"Andyan na sila." Saad ng dalaga habang nakatanaw ito sa papalapit na sasakyan.
"Magandang umaga po, Señorito." Saad pa ni Manang ng nakangiti na sumalubong.
"Magandang umaga po, Señorito." Saad din ni Fiona na hindi nakatingin sa binata.
"Dalhan mo ako ng pagkain sa kuwarto ko." Utos pa ni Lorenzo at nauna na itong naglakad.
"Masusunod po," agad naman na saad ng dalaga.
Hindi nga nagtagal ay agad na nagtungo si Fiona sa silid ni Lorenzo. Habang may dala 'tong pagkain na nakalagay sa tray.
Kumatok muna siya sa pintuan. Narinig naman 'yon ng binata kung kaya agad nitong binuksan ang pintuan.
Nakita nito ang binata na nakatapis lang ng kulay puting tuwalya sa ibabang parte ng katawan. At medyo basa pa ang buhok nito kaya halatang katatapos lang mag shower.
"Pakilapag na lang dito 'yan," aniya pa nito sa kanya.
"Si-sige po," nauutal na saad ng dalaga at nakayuko pa rin 'to.
Minadali nitong inilagay ang pagkain sa lamesa. At sa pagmamadali ay natabig niya ang baso. Mabuti na lang at mabilis 'yong nasalo ni Lorenzo kung kaya halos magdikit ang kanilang katawan.
At amoy na amoy ni Fiona ang mabango nitong sabon. At nakita niya ang mga mata ng binata na nakatingin sa kanya kahit pa nakasuot ito ng maskara.
"Hindi ko alam kung nagmamadali ka ba o natatakot ka sa akin. Kaya nagmamadali ka." Aniya pa sa kanya ng binata.
Agad na yumuko ang dalaga nang marinig nito ang sinabi ng kanyang señorito.
"Uhm....pasinsya na po." Mabilis naman na saad ni Fiona.
"Next time. Kapag hindi ka kumportable na makita ako. Sabihin mo kay Manang na siya na lang ang maghatid ng pagkain ko." Aniya pa nito sa kanya.
"Hindi po ako natatakot sa inyo." Sige po, eat well. " Wika pa ng dalaga at nagmadali itong lumabas ng silid ng binata.
Agad namang nagbihis ng damit ang binata bago 'to kumain.
"Fiona, okay ka lang ba?" Agad naman na tanong ni Edgar nang makita nito ang dalaga na nagmamadaling naglakad galing sa silid ni Lorenzo.
"Opo," agad na sagot ng dalaga.
"May tanong lang po ako. Wala pa po bang asawa si Señorito?" Usisa pa ni Fiona.
"Bawal pag-usapan ang personal na buhay ni Señorito." Nakangiting sagot ni Edgar sa dalaga.
"Nagtatanong lang naman po ako. Pero kung ayaw niyo pong sabihin. Okay lang po." Saad pa ng dalaga na may pilit na ngiti sa labi.
Maya maya pa ay lumabas ng silid si Lorenzo at pinatawag nito si Fiona.
"Pinapatawag niyo raw po ako." Saad ng dalaga.
"Napag-alaman ko na hindi ka na pala nag-aaral." Aniya ng binata.
"Uhm.. Opo." Agad na sagot ni Fiona.
"Gusto mo bang mag-aral ulit?" Tanong pa nito.
Namilog ang mga mata ng dalaga dahil sa tanong ng binata.
"Opo. Gustong-gusto kong magkapag-aral ulit." Sagot nito.
"Sige, mag-aaral ka ulit. Pero may mga kondisyon ako." Makahulugang saad ng binata.
"Ano po 'yon? Kahit ano po gagawin ko." Agad pa na wika ng dalaga.
"Sa ngayon wala pa akong maisip. Basta huwag mong sayangin ang opportunities na binigay ko sa 'yo. At mag-aral kang mabuti." Saad nito.
"Opo. At pinapangako ko hindi masasayang pinagkaloob niyo sa akin. Mag-aaral po akong mabuti." Saad pa ng dalaga na tuwang-tuwa.
Kinabukasan ay maagang inihatid ni Edgar si Fiona sa school na papasukan nito. Upang magpa- enroll at tuwang-tuwa ang dalaga at hindi maitago ang excitement nito.
"Paano ba 'yan, Fiona. Iiwan na kita at babalikan na lang kita mamaya." Saad pa ni Edgar sa kanya.
"Sige po at salamat po."
"Hindi ka dapat sa akin magpasalamat kung hindi kay Señorito." Saad pa ni Edgar.
"Alam ko po 'yon. Ingat po kayo." Paalam pa ng dalaga.
"Ikaw ang mag-ingat dito. At kapag may gumawa ng hindi maganda sa 'yo. Sabihin mo agad sa akin." Aniya pa ni Edgar sa kanya.
"Opo, huwag po kayong mag-alala." Aniya naman ng dalaga.
At iniwan na nga ni Edgar ang dalaga. Saka bumalik ng mansyon.
"Kumusta siya?" Tanong pa ni Lorenzo sa kababalik na si Edgar.
"Ayon tuwang-tuwa siya." Sagot naman ni Edgar.
"At least may pagkakaabalahan siya. Para naman kahit paano ay mawala sa isipan niya ang pamilya niya." Saad pa ni Lorenzo habang nagbabasa 'to ng dyaryo.
"Maiba lang po ako, Señorito. Nalalapit na po ang kaarawan ng lolo ninyo. At sigurado akong ipapasundo kayo rito kapag hindi kayo dadalo." Makahulugang saad ng driver nito.
"Sa bagay na 'yan ay pag-iisipan ko munang mabuti lalo na at sigurado akong magiging tampulan na naman ako ng usapin." Saad na lamang ni Lorenzo.
Mabilis na dumaan ang oras at noong kinahapunan ay agad na sinundo si Fiona ni Edgar sa school.
Pagdating nito ng mansyon ay agad nitong hitong tinanong kay Manang kung nasaan ang kanilang Señorito.
"Manang, nasaan po si Señorito?" Tanong pa ni Fiona.
"Naglalakad-lakad si Sir sa paligid ng mansyon." Sagot nito.
"Gano'n po ba? Sige po hanapin ko na lang." Aniya naman ng dalaga at nagmadali 'tong naglakad palabas.
Naglalakad ang dalaga hanggang sa muli siyang makarating sa batis na napuntahan nito dati.
"Napaka linaw talaga ng tubig at ang lamig. Gusto ko sanang maligo ulit. Kaso lang baka mapahamak na naman ako." Saad nito kung kaya pinagmasdan na lamang niya ito.
Halos mapatalon siya sa gulat nang makarinig siya ng boses.
"Ano'ng ginawa mo rito?" Tanong pa ni Lorenzo.
"Kayo pala, Señorito. Ah- wala po. Pinagmamasdan ko lang ang batis. Saka gusto ko pong magpasalamat sa inyo." Sagot ng dalaga na naka yuko. Ngunit nasa harapan nito ang binata.
"Bakit nga ba sa tuwing kinakausap mo ako ay nakayuko ka? Nakakatakot ba akong tingnan?" Tanong pa nito.
"Hindi po sa gano'n." Agad na sagot ng dalaga.
"Kahit hindi mo sabihin. Nararamdaman ko. Well, sanay na ako." Aniya pa nito.
"Nagkakamali po kayo." Aniya pa ni Fiona.
"Kung gano'n? Bakit ayaw mo akong tingnan?'" tanong ng binata at hinawakan nito ang baba ni Fiona sabay bahagyang angat sa baba nito upang tingnan siya nito.
Doon nga ay nagtama ang kanilang paningin.