Ang pagbinta kay Fiona

1342 Words
Mabilis na nagbihis ng damit si Fiona at sinuot nga nito ang niregalo ng kanyang tyahin na kanyang pinakamagandang damit na kulay pink. Na isang dress at above the knee ang haba. "Tiya, bakit po ganyan ang itsura ninyo? Para po kayong naiiyak." Tanong ng Inosenteng dalaga. "Wala, masaya lang ako na makita kang nakasuot ng napakagandang damit at bagay na bagay sa 'yo. Parang kailan lang noong napaka-cute at bibo mong bata noon. Ngayon dalaga ka na. Ang bilis ng panahon." Aniya nito na hindi mapigilang tumulo ang luha. Agad na nilapitan ni Fiona ang kinilala nitong tyahin. "Tiya, mula po noong nagkaisip ako. Isa ka po sa mga taong kailan man ay alam kong hindi ako gagawan ng masama. Dahil alam ko pong pinoprotektahan niyo ako at mahal na mahal. Kaya nga po mahal na mahal ko rin kayo." Aniya naman ni Fiona. Doon nga ay agad na niyapos ni Nida ang dalaga. Habang nakakaramdam 'to ng guilt. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Aniya pa ni Nidana hindi mapigilan ang pagpatak ng butil-butil na luha. "Mahal..... Na mahal.... Na mahal ko rin po kayo. Kaya huwag na po kayong umiyak." Aniya din nito. Doon nga ay nagyakapan sila. "Ang mabuti pa ay pumunta na tayong hospital. Dahill naghihintay na ang Inay mo." Saad pa nito. Muli silang sumakay ng saksakyan patungong hospital at hindi nga nagtagal ay nakarating na sila. "Tiya, saan kaya kami pupunta ni Inay?" Nahihiwagaang tanong ni Fiona. "Iyon ang hindi ko alam." Maang-maangan ni Nida. "Dapat ay makita mo na muna si Ana. Bago ka umalis." Dugtong pa nito. "Ang tagal ninyong dumating!" Naiinis na saad ng ina nito. "Inay, puwede po bang makiusap na makita ang kapatid ko. Bago man lang ako umalis?" Pakiusap nito. "Hindi na at may naghihintay sa atin." Tangging saad nito. "Delia, ano ba? Hayaan mo namang makita ni Fiona ang kapatid niya. Bago man lang siya umalis. Nakikiusap ako sa 'yo." Pakiusap ng nakababatang kapatid. "Ang dami ninyong arte! Sige na, pumasok ka na sa loob at bilisan mo. Ayaw kong gabihin sa daan pag uwi." Naiiretang saad ni Delia at hinayaan nitong pumasok si Fiona. Sa pagpasok ng dalaga ay nakita nito ang kapatid na naka dextrose at may naka kabit na oxygen. Doon ay kitang-kita ka sa mukha ng dalaga na nag-aalala siya ng sobra habang nakakaramdam ng awa. "Ana, ano'ng nangyari sa 'yo? Patawarin mo ang ate. Kung wala man lang akong magawa para sa 'yo. Kung pinag-aalala ko kayo lagi." Umiiyak na saad ng dalaga at doon nga hinawakan nito ang isang kamay ni Ana at kanyang inilapat sa kanyang pisngi. "Mahal na mahal kita kapatid ko." Aniya pa nito. At muli ngang bumukas ang pintuan. "Tayo na," ani ni Delia at walang nagawa si Fiona nang hilain siya nito. "Babalik ako, pangako." Aniya pa ni Fiona sa kapatid. "Bantayan mong mabuti ang anak ko." Bilin pa nito kay Nida. "Delia, huwag na lang kayang ituloy ang gagawin mo." Muling saad ni Nida. "Tumigil ka at nakapag desisyon na ako." Madiin na saad nito at naglakad na nga sila palabas ng hospital. Hindi naman nagtagal ay sumakay sila ng tricycle. Pagkatapos ay muli silang sumakay ng jeep. "Inay, saan po tayo pupunta?" "Huwag ka ng magtanong pa at sumunod ka na lang." "Doon ay walang nagawa si Fiona kung hindi ang tumahimik. Habang panay lang ang sa paligid na nagmamasid. "Saan kaya kami pupunta? Sa pagkakaalam ko'y wala namang kamag-anak ang inay. Maliban kay Tiya Nida." Tanong ng dalaga sa kanyang isipan. Pagkatapos nilang sumakay ng jeep at tricycle ay sumakay din sila ng bus. Doon nga ay nakaramdam ng kaba si Fiona at nagtataka na 'to. "Bakit parang ang layo naman yata ng pupuntahan namin? Saan ba talaga kami pupunta?" Muling tanong nito sa kanyang isipan. Ilang oras din ang kanilang naging byahe at hindi nagtagal ay nakarating na sila sa station ng bus. At muli ay sumakay na naman sila ng tricycle. "Saan po ang baba ninyo, Ma'am?" "Basta magmaneho ka na lang. Papuntang Centrum magpapara na lang ako kung saan kami ba baba." "Sige po, Ma'am." Mabilis na sagot ng driver at nagmaneho na nga 'to. Hindi nagtagal ay nakarating na nga sila. At gaya ng sinabi ni Delia ay nagpara 'to. "Ito bayad ko." Wika pa ni Delia. Napatingin si Fiona sa apat na palapag ng building na nasa kaniyang harapan. "Ano kayang meron dito?" Takang tanong ng dalaga sa kanyang isipan na nagtataka. "Halikana," aniya pa ni Delia at mabilis nitong hinila ang kamay ng kanyang anak pa pasok sa loob. Agad silang hinarang ng dalawang lalake sa pintuan. "Bawal po pumasok ang walang ticket." Wika pa ng lalaki. "Pakisabi kay Ramon ang pangalan ko Delia. AKA Danella." Utos ng ina ni Fiona. Doon ay napatingin si Fiona sa kanyang ina. Dahil para bang alam na alam at kilalang-kilala ng kanyang ina ang may ari ng lugar na 'yon. Samantalang agad na pinuntahan ng lalaking isa si Ramon at sinabi nito ang pangalan ni Delia. Hindi nga nagtagal ay may lumabas na isang lalaki na naka salamin at kalbo na 'to. "Delia!" Malakas na boses na saad nito nang makita ang ina ni Fiona. "Ramon," wika naman ni Delia at doon nga ay nagbeso-beso sila sa pisngi. "Akala ko'y nakalimutan mo na ako. Aba'y ayaw akong papasukin ng mga guwardya mo!" Inis na saad ni Delia. "Ikaw pa ba? Syempre hindi 'no! Lalo na ang pagiging magkaibigan natin. Huwag kang mag-alala mamaya kakausapin ko silang dalawa. Pasok! Pumasok kayo." Wika pa ni Ramon at napatingin 'to sa kasama ni Delia. "Sino siya?" Tanong pa nito sa dalagang kasama ni Delia. "Fiona, maiwan ka na muna rito. At mag-uusap lang kami dalawa. Dito ka lang." Bilin pa nito. "Opo, Inay." Mabilis naman na sagot ni Fiona. "Ang lamig naman dito." Aniya pa ni Fiona na nililibot ng paningin ang paligid. Saka umayos ng upo sa upuan na nasa sulok. "Aba! Talagang yayamanin ka na ngayon, ah? Saka ang laki na pinagbago nitong club. Sigurado akong milyon-milyon ang kita mo ngayon," puri pa ni Delia sa kanyang kaibigan at pinagmasdan din ang kapaligiran. "Bakit? Gusto mo bang bumalik dito? Ikaw kasi, eh. Mas gusto mong magluto-luto na lang at makasama si Romeo. Oh di sana ngayon. Nakahiga ka na lang sa salapi." Aniya naman ni Ramon. "Wala akong pinagsisisihan. Masaya naman ako sa piling ni Romeo. Iyon nga mabilis siyang kinuha sa akin. Saka matanda na ako. Para bumalik pa rito. Hindi na ako mabinta." "Sabagay. Sino nga pala 'yong kasama mong babae? Iyon na ba 'yong pinagbubuntis mo noon?" sunod-sunod pa na tanong pa ni Ramon. "Hindi ko anak 'yan. Anak 'yan ni Romeo." "Anong pakay mo sa akin? Huwag mong sabihing uutang ka?" Tanong pa ni Ramon. "Nasa hospital ang anak ko, besh. Nag-aagaw buhay, kailangan ko ng malaking halaga. Para maoperahan siya." Pagpapakatotoo nito at hindi maiwasang maluha. "Sige, na besh. Ikaw na lang ang inaasahan ko. Huwag kang mag-alala. Dahil may kapalit naman." Dugtong pa nito. "At ano'ng kapalit? Aber!" "Si Fiona. Siya ang kabayaran. Ibibinta ko siya sa 'yo. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanya. Basta ibigay mo ang kailangan kong halaga." Saad pa nito. "Wais ka rin, ano? Talagang alam mo kung ano ang gusto ko. Sige, pumirma ka rito. At ibibigay ko ng kailangan mong halaga. Basta sinasabi ko sa 'yo. Wala ng bawian." "Oo," agad na saad ni Delia at mabilis 'tong pumirma at nagbilangan sila ng pera. "Magpaalam ka na sa kanya at bilinan mo." Aniya pa ni Ramon kay Delia. "Inay, aalis na po ba tayo?" Tanong pa ni Fiona nang makita ang ina nito. "Hindi ka aalis. Dahil dito ka na mamasukan. At siya amo mo. Kaya magpakabait ka! Kung ano ang iuutos niya. Sundi mo! Maliwanag?" Bilin pa ni Delia kay Fiona. "Opo, Inay." Malungkot na saad ni Fiona. Walang lingon-lingon na umalis si Delia ng Club dala-dala ang pera. "Sumunod ka sa akin. Ayoko ng maarte dito, ha?" Aniya pa ni Ramon. "Opo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD