Ang walang alam na si Fiona

1269 Words
Mabilis na sumakay ng sasakyan sila Fiona at Edgar. Agad din na pinaandar ng matulin ni Edgar ang kanilang sinasakyan. Punong-puno ng pag-aalala ang puso ni Fiona habang nakaupo na nakatanaw sa labas ng bintana nang sasakyan. At hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa hospital kung nasaan ang kapatid nito dinala. Agad silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng hospital. "Nurse, nasaan po ang kapatid ko?" Agad na tanong ni Fiona nang makarating 'to sa information. "Ano pong pangalan ng Pasyente, Ma'am?" Sagot at balik na tanong ng kausap nitong nurse. "Ana, Ana Dominguez ang pangalan ng kapatid ko." Mabilis na sagot ng dalaga. "Ma'@m, akyat po kayo second floor. Nasa ICU po siya ngayon." Sagot pa ng nurse. "Ha-ha?" Hindi makapaniwalang saad ni Fiona na nakaramdam ng panghihina. "Salamat po," aniya pa nito at mabigat ang mga paang naglakad palayo. "Hindi naman nagtagal ay nakarating na 'to at nakita niya ang kanyang Ina na naka upo sa upuan na hindi maipinta ang mukha. "Inay," saad pa ni Fiona na umiiyak. Agad na napalingon ang ina nito sa pinanggalingan ng boses. Sabay tingin ng masama kay Fiona nang makita niya 'to. "L***tse ka! Umuwi ka pa! Saan galing kagabi, ha?!" Galit na galit na tanong ng ina ni Fiona sabay sampal nito sa pagmumukha ng kanyang anak. Hindi rin niya alintana ang mga tao sa paligid na nakatingin sa kanila. Sunod-sunod na sampal ang iginawad nito sa pagmumukha ni Fiona at hindi lang 'yon dahil mahigpit nitong hinila ang buhok ng kanyang anak na para bang nasama pati ang anit dahil sa higpit ng pagkakahila nito. "Inay, tama na po." Pagmamakaawa ni Fiona na walang magawa kung hindi ang magmakaawa at umiyak na lamang. "Dahil sa pag-aalala namin sa 'yo napahamak ang kapatid mo! Kasalanan mo 'to!" Muling saad pa ng kanyang ina na sinisisi si Fiona at muli na naman sana nitong sasampalim ang dalaga. Ngunit humarang ang kararating lang na si Nida. "Delia! Tama na 'yan!" Sigaw naman ni Nida at mabilis 'tong pumagitan saka hinila ang pamangkin. "Inay, sorry na po." Paghingi ng tawad ni Fiona habang pumapatak ang mga luha nito. "Nang dahil sa 'yo napahamak ang kapatid mo! Malas ka talaga sa amin!" Paninisi pa muli nito. "Delia! Ano ba? Hindi ka ba nahihiyang pinagtitinginan ng mga tao rito! Saka walang may gusto na magkaganyan ang bata. Kaya huwag mong sisisihin si Fiona." Agad na saad ng nakababatang kapatid nito. "Kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid mo. Humanda ka sa akin! Dahil lang 'yan ang mapapala mo." Pagbabanta pa ni Delia at iniwan na sila. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong naman ni Nida sa pamangkin nito. "Umupo ka," utos pa nito at sabay silang umupo sa upuan. "Tiya, patawad po. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko." Umiiyak na saad pa muli ng dalaga at sinisisi ang sarili. "Ano ka ba? Wala kang kasalanan. Kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo." "Pero, Tiya. Tama po si Inay." "Tama na, huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto nito." Aniya pa ni Nida at inalo-alo si Fiona. "Ano bang nangyari sa 'yo? At saan ka natulog kagabi?" Tanong pa ni Nida. "Tiya, may nangyari po kasi kagabi noong pa uwi na po ako galing trabaho. May dalawang lalaki po na humarang sa akin at pilit akong pinapasakay sa tricycle nila." Saad ni Fiona at hindi mapigilang pumatak ang mga luha nito habang nagsasalaysay siya. "May nangyari ba sa 'yo? Nasaktan ka ba? May masakit ba sa 'yo? Ano? Sabihin mo?" Sunod-sunod na tanong ni Nida at kita sa mukha nito ang pag-aalala. "Wala po, ayos lang po ako. Mabuti na lang po at may tumulong sa akin." Sagot naman agad ni Fiona. "Mabait pa rin ang diyos sinong tumulong sa 'yo?" Muling tanong nito. "Hindi ko po kilala, basta pagkagising ko na lang po nasa mansion na ako ng mga Salvacion." "Fiona, ayokong nasasaktan at napapahamak. Kaya puwede ba huwag ka ng magtrabaho. Lalo na ngayon ganyan ang nangyari sa kapatid mo." Pakiusap ng tyahin nito. "Pero kung hindi po ako magtatrabaho. Saan po tayo kukuha ng pambayad sa hospital? Saka po paano ako makakatulong kay Inay kung wala po akong maiaabot na pera sa kanya? Lahat naman po ng ginagawa ko ay para kay Inay." Saad nito na umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. "Alam ko, pero Fiona. Mas kailangan ka ngayon ng kapatid mo. Kaya huwag ka na munang magtrabaho. Puwede ba 'yon?" Muling pakiusap ni Nida. "Sige po," sagot na lamang ng dalaga doon ay nakaramdam ng awa si Nida para kay Fiona. At ilang sandali na ang nakakalipas ay lumabas na ng ICU ang doctor. "Bantay po ng pasyenteng si Ana Dominguez?" Wika pa nito. "Ako ang Inay." Mabilis na saad ni Delia. "At Ako rin ang Tyahin." Agad din na saad ni Nida. "Ka-Kapa---" hindi naituloy ni Fiona ang sasabihin nito nang muling magsalita si Delia. "Dito ka lang! Kung ayaw mong makatikim ulit!" Kung kaya napa atras si Fiona at muling umupo sa upuan. "Doc, sinasabi niyo bang mamatay na ang anak ko? Bakit? Diyos ka ba na alam kung kailan mamatay ang tao?" Galit na tanong ni Delia. "Ate, huminahon ka." Wika naman ni Nida sa kanyang ate. "Sinasabi ko lang, hu. Ang puweding mangyari sa anak ninyo. Kaya nga po. Kailangan niyong maghanda ng malaking halaga para sa susunod na procedure at maoperahan agad ang anak ninyo. Dahil hanggang hindi siya naooperahan sa puso mas lumiliit ang tsansa na mabuhay pa siya. Ngayon kung hindi po kayo naniniwala sa akin na doctor nasa inyo na po 'yon. Sinasabi ko lang po ang puweding mangyari at ginagawa ang trabaho ko. Paliwanag ng doctor at umalis na agad 'to. "Ate, saan tayo kukuha ng malaking halaga ng pera?" tanong pa ni Nida na nag-aalala at hindi mapakali. "Iuwi mo na si Fiona bihisan mo siya at paliguan ng pabango. Dadalhin ko siya sa dati kong amo." Saad ni Delia. "Ate! Nababaliw ka na ba? Si Fiona 'yon anak ni Romeo." Agad na saad ni Nida. "Alam ko, Nida. Pero hindi ko hahayaang mamatay ang anak. At handa akong isakripisyo at gawin ang lahat. Para sa anak ko." Madiin na saad ni Delia. "Ate, anak mo rin si Fiona. At sana huwag mong kalimutan ang pangako mo kay Romeo na hind mo pababayaan si Fiona." Paalala nito. "Pero wala na ngayon si Romeo. At mas mahalaga si Ana kaysa sa kahit kanino pa man. Dali na, sundi mo na lang ang pinag-uutos ko. Hindi kakayanin kapag may nawala ang anak ko." Utos pa ni Delia. Walang nagawa si Nida kung hindi ang sumunod na lang. "Tiya, kumusta po si Ana? Ano pong sabi ng doctor?" tanong pa ni Fiona. "Ang mabuti pa ay umuwi na muna tayo at maligo. Kasi mamaya aalis kayo ni Ate dahil may pupuntahan kayo." "Saan po kami pupunta, Tiya?" Inosenteng tanong ng dalaga. "Basta, ang mama mo na lang ang magsasabi sa 'yo. Kaya sundi mo na lang kung ano ang sasabihin niya." "Opo, Tiya. " Mabilis na saad ni Fiona at naglakad na sila palabas ng hospital. Sumakay ng tricycle sila Fiona pa uwi ng kanilang bahay at doon nga ay mabilis na naligo si Fiona. "Tiya, ito po 'yong damit na binili niyo sa akin at regalo niyo nang nakarang pasko. Ito rin ang pinaka magandang kong damit. Bakit po 'to ang susuotin ko? Bagong-bago pa naman nito at lubos kong iniingatan. Sayang naman po. Kung ito ang susuotin ko. Iba na lang po." "N
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD