Dahan-dahan na lumalakad pa atras sila Fiona patungo sa tricycle habang nakadikit pa rin ang patalim sa tagiliran nito.
At nang malapit na sila ay agad na binulsa ng lalaki ang dalang patalim nito. Saka mabilis na ini arko ang isang kamay sa did dib ni Fiona na para bang nakayakap 'to sa dalaga at paatras pa rin ang paglalakad nila.
Hindi nga nagtagal na nasa halos nasa tricycle na sila.
"Ang dami mo pang arte! Susunod ka rin pala, bulong pa ng lalaki sa puno ng tainga ni Fiona.
Kung kaya lalong kumabog ang kanyang dibdib sa takot.
"Diyos ko, tulungan niyo po ako. Ano'ng gagawin ko?" takot na takot na saad ni Fiona sa kanyang sarili.
Hanggang sa maramdaman niyang lumuwang ang pagkakayapos ng lalaki sa kanya at doon ay may kung ano'ng nag udyok sa kanyang isipan.
At walang ano-anong kinagat nito ang isang kamay ng lalaki. Sabay takbo.
"Putch*** ka!" Galit na sigaw ng lalaki at hinabol nito si Fiona.
Doon nga ay mabilis na nahabol si Fiona ng isa pang lalaki at hinila nito ang kanyang buhok.
"Pest** ka! Akala mo siguro makakawala ka sa amin, ah! Humanda ka!" At kinaladkad nito ang babae saka hila-hila ang buhok ni Fiona.
"Tama na po! Maawa po kayo sa akin!" Pagmamakaawa ni Fiona.
Ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito hanggang sa nagulat na lang siya nang biglang humandusay ang isang lalaking kumakaladkad sa kanya sa seminto. At dumugo rin ang pisngi nito.
Napatingin pa siya sa lalaking sumuntok sa lalaking nakahandusay.
"Umalis ka na rito. Ngayon din! At huwag na huwag ka ng babalik pa sa lugar na 'to!" Mabilis na saad ng lalaking tumutulong sa kanya.
"Pe-pero saan ako pupunta? Natatakot ako," tanong ni Fiona na naguguluhan at takot na takot. Tumingin pa siya sa paligid at pakiramdam niya ay baka kahit saan siya magpunta ay may masamang mangyari sa kanya.
Kaya napaupo na lang 'to sa isang tabi na takot na takot at nakatakip ang dalawang tainga gamit ang kanyang dalawang kamay.
Magaling makipaglaban ang inutusan ni Lorenzo na magbantay kay Fiona at hindi nga nagtagal ay napatumba niya ang mga ito ng walang kahirap-hirap.
Doon ay agad niyang nilapitan ang dalaga.
"Tumayo ka na dyan at tapos na," saad pa nito kay Fiona.
Tatayo na sana si Fiona ngunit nanginginig ang tuhod nito. Kung kaya inilahad ng lalaki ang kanyang isang kamay.
Ngunit nang dahan-dahan na siyang tatayo at hahawak sa lalaki ay bigla na lamang nagdilim ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at maagap 'tong naagapan ng kanyang taga batay at agad din siyang binuhat nito.
Isinakay ng lalaki ang babae sa sasakyan nito at mabilis na pinaandar patungo sa mansyon ng Salvacion.
Mabilis naman silang nakarating at doon nga ay agad siyang sinalubong nila Edgar, doctor at si Lorenzo na naka kunot ang noo. Ngunit nababanaag sa mukha nito ang pag-aalala.
Walang salita ang namutawi sa bibig ng kanilang Señorito. At nagulat sila sa ginawa nitong pagkuha kay Fiona mula sa loob ng sasakyan. Saka mabilis na ipinasok ng mansion. Agad na lamang nila 'tong sinundan.
Mabilis namang sinuri ng doctor ang dalaga at doon nga ay tinanong din nito ang nagbabantay kay Fiona kung ano ba ang nangyari.
"How is she, doc?" Agad naman na tanong ni Señorito.
"Pagod, puyat, truma sa pangyayari at walang laman ang tyan. Iyon ang dahilan ng pagkawala ng malay niya. Sa ngayon kailangan niyang magpahinga at kumain." Sagot ng doctor.
"Gano'n ba? Salamat, doc."
"Sige po, Señorito. Mauna na ako." Paalam pa nito.
"Manang, maghanda kayo ng maraming pagkain para sa kangya, kailangan niyang kumain ng marami." Utos nito.
"Masusunod po, Señorito." Mabilis naman na tugon ng kasambahay nito.
"Nakakawa naman siya, mukhang hindi na nakakatulog, nakakakain kakaisip kung paano makakatulong sa kanyang ina. Kung may maitutulong lang ako. Kukupkopin siya para hindi na napapahamak." Nangungunsinsyang saad ni Edgar.
"Huwag niyo na akong konsensyahin pa. Dahil kahit na anong gawin ninyo. Hinding-hindi ko siya kukopkopin." Mabilis naman na saad ni Lorenzo at lumabas na 'to ng silid ng babae.
"Ano ba kasing ginagawa niya roon at paano siya nakarating don?" tanong nito sa taong kanyang inatasan.
"May nakita siyang batang lalaki na kakilala niya at sinundan niya 'to. Kaya nakarating siya roon, Señorito." Agad na sagot nito.
"At sino naman raw ang batang 'yon?" Muling tanong nito.
"Iyon po ang hindi ko natanong."
"Kung gano'n bumalik ka roon at kumuha ka ng impormasyon." Muling utos nito.
"Masusunod, Señorito. At agad na 'tong umalis.
"Mukhang matigas ang ulo ng bata na 'yon. At mukhang wala na rins siyang iniisip kung hindi ang kumita ng pera." Aniya pa nito sa kanyang sarili.
Ilang oras na nakatulog si Fiona sa mansion ng mga Salvacion at inumaga na 'to ng gising.
Saka lamang siya nagising nang marinig niya ang pag bukas ng pintuan.
"Mukhang napasarap ang tulog mo, ah. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Manang may ngiti sa labi.
Halos lumuwa ang mata ni Fiona nang makita si Manang. At agad 'tong nap-aupo.
"Ba-bakit nandito ako?" Takang tanong pa ni Fiona.
Napatingin pa 'to sa bintana at nakita niyang mataas na ang araw.
"Naku po si Inay!" Wika pa nito at agad na tumayo mula sa pagkakahiga.
"Kailangan ko na pong umalis pasinsya na po at patawad." Nagmamadaling saad ni Fiona at lalabas na sana ito ng pintuan nang makasalubong niya ang lalaking naka maskara. Kung kaya muli siyang napa atras.
"Saan ka pupunta?" Malamig na boses na tanong pa nito.
"Hala ka, Fiona! Nawala sa isip kong nandito nga pala ako sa mansion ng mga Salvacion. At may mahilaw dito. Baka makita ko naman ulit 'yong may pangit na mukha ay hindi basta halimaw 'yon." Aniya nito sa kanyang isipan."
"Tinatanong kita kung saan ka pupunta? Naririnig mo ba ako?" Muling tanong nito.
"Opo, Señorito. Pasinsya na po. Kailangan ko ng umalis kasi sigurado akong nag-aalala na ang aking Inay. Patawarin niyo po ako." Paumanhin nito.
"Kapag umalis ka ngayon din. Sigurado akong makakasalubong 'yong halimaw sa daan. Kung ayaw mo sumunod ka sa akin at ipapahatid kita pauwi." Malamig na saad nito.
Dahil ayaw ng makita ni Fiona ang nakita nitong halimaw ay dali-dali siyang sumunod sa binata.
Doon nga ay dinala ni Lorenzo sa hapagkainan ang babae.
Isang mahabang-mahabang lamesa na para bang nasa hinuha ni Fiona ay puweding kumain roon ang isang baranggay dahil sa haba nito na may maraming upuan at gawa sa punong kahoy at masasabi niyang antique na 'yon dahil sa itsura nito na makaluma.
Sunod-sunod namang inilalagay ni Manang ang maraming klase ng ulam na talaga namang nagpapatakam kay Fiona.
Naunang umupo si Lorenzo sa pinaka dulo habang si Fiona naman ay hindi na lamang tumitingin sa mga pagkain dahil hindi niya maiwasang mapalunok kapag nakikita niya 'to.
"Ano pang ginagawa mo riyan? Umupo ka na rito." Utos nito.
"Ah, Se-Señorito. Maraming salamat po pero busog pa po ako." Pagsisinungaling ni Fiona pero ang totoo ay kagabi pa 'tong walang kain.
"Totoo ba?" Muling tanong ni Lorenzo.
Hanggang marinig nila ang pag-angal ng tyan ni Fiona. At nakahawak na lang ang dalaga sa kanyang tyan na nahiya.
"Mukhang hindi ka makakapag sinungaling. Umupo ka na at kumain ka na." Muling saad nito.
Nahihiya ngunit hindi rin napigilan ni Fiona ang kanyang sarili dahil sa gutom.
Umupo 'to at saka kumain ng gusto niyang kainin. Halos lahat yata ng putahe ay kanyang natikman at doo nga ay sarap na sarap siyang kumain na parang bata. Dahil ngayon lamang 'to kumain ng gano'ng putahe at kasarap.
Hanggang sa dumighay siya.
"Opppsss, sorry po." Paumanhin ni Fiona saka uminom na lamang siya ng tubig.
"Mukhang nabusog ka. Manang, pakitawag si Edgar." Utos pa nito.
"Opo at salamat po ng marami." Agad na saad ni Fiona.
"Ano'ng salamat? Utang 'to at ililista ko. Kasama noong nakaraan." Agad na saad ng binata.
"Ha? Kung alam ko lang na utang sana ay hindi na lang ako kumain. Baka kasi hindi ako makabayad at malubog ako sa utang." Aniya naman ni Fiona na naka simangot.
Napapangiti na lang sa isipan si Lorenzo dahil sa sinasabi ng babae.
"Ano po 'yon, Señorito?"
"Ihatid mo na siya at baka makakita siya muli ng halimaw."
"Tayo na, Fiona. Baka hinahanap ka na ng Inay mo."
"Pangako babayaran kita. Pero hindi buo pa kunti-kunti lang." Saad pa ng dalaga kay Lorenzo.
"Sige, umaasa ako. Kapag nakapagbigay ka na. Saka ko na lang iaawas." Saad naman ni Lorenzo.
Nagtatakang napatingin naman si Edgar kay Lorenzo.
"Ano bang ginagawa ni Sir? Pinagti-tripan ba niya si Fiona?" tanong naman ni Edgar.
Hindi naman nagtagal ay inihatid na nga ni Edgar si Fiona sa kanila.
Pagbaba pa lang ni Fiona ng sasakyan ay agad na itong nilapitan ni Aling Josephine.
"Hoy! Fiona. Kararating mo lang ba? Aba'y nasa hospital ang Inay mo." Agad na saad nito.
"P-Po? Bakit po? Ano'ng nangyari kay Inay?" Agad at nag-aalalang tanong ni Fiona.
"Hindi ang Inay mo itinakbo sa hospital. Kung hindi si Ana. Hirap huminga."
"Diyos ko ang kapatid ko, huwag niyo pong pababayaan." Naisatinig na lang ni Fiona.
At nakita pa nito ang sasakyan na naghatid sa kanya na hindi pa umaalis hanggang sa makita niyang bumaba si Edgar at nilapitan siya nito.
"Ano'ng nangyari bakit ka umiiyak?" Agad na tanong nito.
"Ang kapatid ko tinakbo nila sa hospital nahihirapan daw huminga."
"Halikana at puntahan na natin." Mabilis naman na saad ni Edgar doon nga ay muli silang sumakay ng sasakyan saka mabilis nitong pinaandar ng matulin.