Hayaan mo siyang matuto

1624 Words
Hindi nga nagtagal ay nakarating na sila sa presinto. Agad na ipinasok sa loob ang manager ng bar sa kulungan. Habang si Fiona ay hinihingian ng kumento nang mga pulis at si Lorenzo naman ay kasama nito na nakikialam na sumasagot sa mga pulis. Natapos ang pakikipag-usap nila sa mga pulis na walang naging problema. At nakahinga ng maluwag si Fiona. "Señorito, salamat po." Agad na saad ni Fiona. "Bakit? Akala mo ba'y ikukulong ka nila? Huwag kang mag-alala dahil minor ka pa. Kaya hindi ka makukulong. Isa pa, huwag mong isipin na naawa ako sa 'yo. Kaya tinulungan kita. Ayoko ko lang na pagsamantalahan ka nila." Saad nito. "Matanong ko nga, paano ka nakapasok sa trabaho na 'yon?" Napapaisip na tanong pa ni Lorenzo. "Naghahanap ako ng trabaho hanggang sa may makilala akong batang lalaki at siya ang naghatid sa akin roon." "Batang lalaki ba ka mo? Sino siya?" "Hindi ko po siya kilala, Señorito. Basta ang alam ko lang gusto niya akong tulungan." "Sa susunod, huwag na huwag ka agad maniniwala at magtitiwala. Lalo kung kakikilala mo pa lang. Naiintindihan mo?" Saad pa nito na malamig ang boses . "Opo, señorito." Agad naman na sagot ng dalaga. "Tayo na." Muling saad ng lalake kay Fiona. "Hi-hindi na po ako sasabay sa inyo." Mariin na saad ng dalaga. "At bakit hindi?" Agad naman na tanong ng binata. "Hindi kasi puweding malaman ni Inay na wala na akong trabaho. At lalong hindi puweding malaman ni Inay na 'yong pinasukan kong trabaho ay lugar ng mga babaeng mababa ang lipad. Nakakahiya po 'yon baka ano ang isipin niya at sigurado akong magagalit na naman si Inay sa akin. Kaya kailangan kong maghanap ulit ng bagong trabaho." Mahabang sagot ni Fiona. "Gano'n? Ikaw ang bahala." Walang kagatol-gatol na saad ni Lorenzo at agad na 'tong sumakay ng sasakyan. Agad naman na nagmaneho si Edgar paalis. "Señorito, bakit naman ayaw niyo pang kunin si Fiona na magtrabaho sa masion? Baka mapahamak na naman siya. Saka alam niyo naman mabait siya." Tanong ni Edgar. "Hayaan mo siyang matuto sa buhay. Isa pa ay alam niyo namang ayaw na ayaw kong may babaeng nakatira sa bahay maliban kay Manang." Sagot naman ni Lorenzo at tumingin ito sa side miror habang papalayo ang sasakyan mula kay Fiona. Wala nagawa at hindi na lamang umimik si Edgar kahit pa gusto sana nitong tulungan si Fiona. "Hay! Mukhang balik na naman ako sa simula. Siguro may balat ako sa puwet kaya malas ako sa buhay ko." Nalulungkot na saad ni Fiona at nagsimula na 'tong naglakad-lakad. Mag gagabi na nga at nasa daan pa rin 'tong mag-isang naglalakad. "Uuwi na lang siguro ako at bukas na lang maghahanap ng bagong trabaho. Kasi baka magagalit na naman si Inay. Isa pa ay pagabi na mahirap na, baka mamaya hindi ko alam mapapahamak na pala ako." Aniya pa ni Fiona sa kanyang sarili. Madilim na nga sa daan at ilaw ng mga sasakyan ang nagsisilbing ilaw ni Fiona habang naglalakad 'to. Hanggang sa muli nitong makita ang batang lalaki na nasa tindahan ng bilihan ng tinapay at doon nga kitang-kita nito kung ano ang ginawa nito. Hindi siya makapaniwala nang pasimpleng inaabot nito ang dalawang nakaplastic na tinapay sa tindahan habang nakatalikod ang nagtitinda. "Masama 'yon, ah!" Aniya pa ng dalaga at agad 'tong naglakad patungo sa tindahan. Ngunit mabilis na tumakbo ang batang lalaki kung kaya dali-dali nitong sinundan ang bata. Muli ay kung saan-saang eskinita ito pumasok at lumulusot. Ngunit hindi 'yon tinatantanan ni Fiona. Hanggang sa maabutan niya 'to. Doon nga ay nakita niyang pumasok ang bata sa tagpi-tagping yerong butas-butas at sako. Na barong-barong nito. Hindi niya akalain na may mas maliit 'tong kapatid na nasa hinuha niya ang edad ay limang taong gulang lamang na batang babae. "Kuya, may kasama ka pala." Inosenteng saad nito na nakatingin kay Fiona na kapapasok lang. "A-Ate? Ano'ng ginagawa mo rito? Sinundan mo ba ako?" Takang tanong ng batang lalaki at hindi nito akalaing makikita niya roon ang dalaga. "Diyan ka lang, Giana. At mag-uusap lang kami sa labas." Paalam naman agad ng batang lalaki sa nakababatang kapatid nito. "Nakita ko 'yong ginawa mo kanina at hindi ko akalaing magagawa mo? Napaka bata mo pa lalo na ang kapatid mo." Agad na saad ni Fiona. Ngunit natamimi ito nang magsalita ang batang lalaki. "Kailangan kong gawin 'yon, ate. Para mabuhay kami ng kapatid ko. Dahil kung hindi ko gagawin 'yon. Mamatay kaming dilat ang mata sa gutom. Alam kong masama, ate. Pero wala na akong puweding pagpipilian. Lahat ate kaya kong gawin para sa kapatid ko. Kahit pa ang gumawa ng masama." Saad nito. "Nasaan ang mga magulang ninyo?" tanong pa ni Fiona na nakaramdam ng awa sa bata. "Iniwan kami ng mismong ina ko sa lansangan. Siguro dahil hindi na niya kami mahal o kaya'y hindi na niya kami mabuhay." "Kaya patawarin mo po ako, ate. Kung ginawan kita ng masama. Kapalit ng limang daang piso pambili ng bigas namin. Kaya tuwang-tuwa ako noong makita kita kanina. Lalo na't alam kong mabuting tao ka. Ang totoo ate nakokonsensya ako at binalak kitang balikan nang araw na 'yon. Kaso hindi ko kayang kumakalam ang sikmura ng kapatid ko." Dugtong pa ng bata na nagsasabi ng totoo at humihingi ng tawad napaluha rin 'to. "Okay lang 'yon. Ang mahalaga ay wala namang nangyaring masama sa akin. Saka kahit siguro ako ang nasa kalagayan mo gagawin ko rin 'yon. Ang kahit na ano para sa kapatid ko. Kaya naiintindihan kita." Saad naman ni Fiona. "Ate, sorry po." Taas pusong paghingi ng paumanhin ng bata. At yumakap 'to kay Fiona. Niyakap din ni Fiona ang batang lalaki at talagang naluluha siya na awang-awa sa magkapatid. Doon ay masasabi niyang ma swerte pa rin siya kaysa sa magkapatid na 'yon. "Tama na, huwag ka ng umiiyak. Huwag kang mag-alala. Kapag nakaluwag-luwag na ako. At nakahanap ng ibang trabaho. Tutulungan din kita." Saad naman ni Fiona. "Talaga, ate?" Hindi makapaniwalang saad ng bata. "Oo naman, ngayon pa ba na alam ko na ang bahay ninyo." Saad pa ni Fiona. "Kuya, umiiyak pa ba?" Inosenteng tanong ng naman ni Giana. "Hindi, ah. Mausok kasi kaya napuwing ako." Sagot naman nito. "Sino ka?" Tanong pa muli ni Giana sa bisita nila. "Ako si Ate Fiona ninyo. Ikaw, ano ang pangalan mo?" Sagot ang muling tanong ng dalaga. "Ako po si Giana." Nakangiting sagot nito. Maya maya pa ay narinig nilang umuungol na ang tyan ni Fiona. "Ate, gutom ka na ba? Halika pasok ka muna sa loob ng bahay namin." Aya pa ng batang lalaki. Agad naman na pumasok sa loob si Fiona. At doon nga nabungaran niya sa loob ang kalan na di uling. Halos tatlong metro ang haba ng kanilang pinagtutulugan. At rough na semento na nilagyan lang karton ang hinihigaan ng magkapatid. "Sigurado akong nababasa sila rito kapag umuulan dahil sa mga bubong na butas-butas na malalaki." Saad nito sa kanyang isipan. "Ate, ito po tinapay. Pasalubong po 'yan ni Kuya sa akin. Kainin mo na po kasi alam kong gutom na kayo." Wika pa ni Giana. "Salamat, pero kaya ko pa namang tiisin ang gutom ko. Ang mabuti pa ay ikaw na ang kumain. Dahil aalis na ako." Agad na saad ni Fiona. "Ate, ihahatid na kita." Wika pa ng batang lalaki. "Hindi na, alagaan mo na ang kapatid mo rito. Saka gabi na wala siyang kasama. Kaya ko naman ang sarili ko. Basta bukas babalik ako rito at samahan mo akong maghanap ng bago kong trabaho, ha?" Wika ni Fiona. "Opo, ate." Agad na saad ng batang nakangiti. "Sige alis na ako. Mag-iingat kayo rito." Paalam pa ni Fiona sa mga bata. "Ikaw din ate ingat po." Sabat naman ni Giana. Umalis ang dalaga na may ngiti sa labi at nagkaroon ng kumpyansa sa kanyang sarili. "Kailangan kong makahanap agad ng trabaho. Para matulungan sila. Sana bukas makahanap na ako." Umaasang saad nito sa kanyang sarili. "Miss, saan ang punta mo? Hatid na kita pauwi na rin ako." Agad na saad ng lalaking nasa tricycle. "Hindi na po. Kaya ko pong maglakad." Agad naman na saad ni Fiona dahil naisip nito ang sinabi ng lalaki na huwag na huwag siyang magtitiwala. "Sige na, libre naman walang bayad." Pagpupumilit pa nito. "Salamat na lang po. Pero maglalakad na po talaga ako." Muling saad ni Fiona at magpapatuloy na sana 'to sa paglalakad nang bigla siyang harangin nito. Kung kaya agad siyang kinabahan at nakaramdam ng takot. "Miss, alam mo. Sumakay ka na kasi gabi na, oh. Baka mapaano ka sa daan ikaw din." Saad naman ng isang lalaki na kasama nito sa tricycle. Tatakbo na sana si Fiona nang ang isang lalaki ay hinarangan din siya. "Kapag hindi niyo po ako pinadaan. Sisigaw po ako." Matapang at pagbabanta ni Fiona. "Oh, di sumigaw ka. Tingnan natin kung may makarinig sa 'yo." Saad ng isang lalaki na mabilis kumilos at may idinikit na matulis na bagay sa kanyang tagiliran. "Kuya, huwag po." Pagmamakaawa ni Fiona na maluha-luha na. "Sumakay ka na kasi. Kasi Kapag hindi ka sumakay. Ikaw din mabubutas 'yang tagiliran mo." Pagpupumilit at pagbabanta ng lalaking nasa likuran ni Fiona. "Señorito, tumawag po 'yong inutusan niyong magbantay kay Fiona at sinabi niyang mukhang may binabalak na masama 'yong dalawang lalaki at pilit pinapasakay ng tricycle si Fiona." Saad ni Edgar. "Sabihin mo sa kanya. Huwag na huwag niyang hayaang mapahamak 'yong babae. Dahil kapag napahamak 'yon. Mananagot siya sa akin." May pagbabantang saad ni Lorenzo. "Masusunod po, Señorito." "Hindi ko talaga maintindihan 'tong si señorito. Bakit ba kasi ayaw niyang patrabahuin dito si Fiona. Eh, nag-aalala din naman." Aniya pa ni Edgar sa kanyang isipan at muling kinausap ang taong inatasan nilang sundan ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD