"Oh! Ba't ganyan ka makatingin?" Muling tanong ng lalaking naka maskara.
"Siya ba 'yon? Pero imposible." Tanong ni Fiona sa kanyang sarili na kita pa rin sa mukha nito ang takot.
"Ba-bakit may benda ka sa kamay? Napaano 'yan?" Nauutal na tanong ni Fiona.
"Ito ba? Wala 'to." Saad ni Lorenzo.
"Ah, 'yang kamay ba ni Señorito? Nakagat 'yan ng asong ligaw." Agad naman na sagot ng ginang.
"Asong ligaw? May naliligaw ba na aso rito?" kunot-noong tanong pa ng dalaga.
"Oo marami. Bakit? Ayaw mong maniwala? Oh, baka gusto mong makakita ng asong ligaw." Makahulugang saad ng Lorenzo.
"Ah, hindi na. Nagmamadali ako saka may pasok pa ako. Kukunin ko na po 'tong basket." Saad ng dalaga at mabilis na kinuha ang basket saka mabilis na naglakad palayo.
"Ang tigas talaga ng ulo ng babae na 'yon. Sinabihan ko na ngang huwag na siyang papasok sa trabaho na 'yon. Ipipilit pa rin niya." Saad ni Lorenzo.
"Siya nga po pala Señorito. May dumating pong papeles galing PSA." Saad ng ginang.
"Ito na 'yong hinihintay ko salamat." Aniya naman ng binata at kinuha 'to saka binuklat sa loob.
Tiningnan din nito ang mga litrato ni Fiona kagabi.
"Magagamit ko lahat 'to." Saad pa nito sa kanyang sarili habang nakatingin sa mukha ni Fiona na nasa litratato at may kinausap sa cellphone.
"Kami ng bahala, sir. Kahit huwag na kayong pumunta." Saad ng kausap nito sa kabilang linya.
"Hindi, pupunta ako. Gusto kong makita." Saad naman ni Lorenzo.
"Copy, sir." Saad ng kausap nito at naputol na ang linya.
Samantalang kararating lang ni Fiona sa bahay nila na hingal na hingal at pinagpapawisan.
"Fiona, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong naman ng tyahin nito na kararating lang.
"Tiya Nida," agad naman na saad ng dalaga at yumakap 'to.
"Oh! Bakit ganyan ang itsura mo?" Muling tanong nito.
"Totoo po 'yong sabi nila na may halimaw sa Mansion ng mga Salvacion." Takot na takot na saad nito.
"Ha? Halimaw ba kamo? Hindi 'yon totoo." Agad na saad ng tyahin nito.
"Pero nakita ko po. Sa mismong mga mata ko." Pagpumilit nito.
"Alam mo, Fiona. Baka napagod ka lang kaya nasasabi mo 'yan."
"Nagsasabi po ako ng totoo. Maniwala po kayo. Hindi po ako nagsisinungaling at lalong hindi po 'yon kathang isip. Kitang-kita ko po." Saad pa nito.
"Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob at uminom ka ng tubig." Saad ng tyahin nito at hinila si Fiona sa loob ng bahay.
"Ako na ang magsusundo sa kapatid mo sa school at dumito ka na lang." Agad na saad ni Nida kay Fiona.
"Pero po, magagalit na naman si Inay. Kapag nalaman niya. Saka okay na po ako." Natatakot na saad ng dalaga.
"Sigurado ka ba? Eh, mamumutla ka," tanong pa ng tyahin niya na nag-aalala.
"Opo. Saka kailangan ko pong pumasok." Agad naman na sagot ng dalaga.
"Ganito na lang. Kapag inutusan ka ng Inay mo bukas na pumunta sa mansion ng mga Salvacion ako na muna ang pupunta."
"Tiya, salamat po." Agad na saad ng dalaga dahil takot na 'tong magtungo roon.
"Mamaya pa naman ang uwi ng kapatid mo. Matulog ka na muna at gigisingin na lang kita. Andito lang naman ako sa tabi mo." Aniya pa ng kanyang tyahin.
"Sige po."
Sinusuklay ng tyahin nito ang kanyang buhok. Gamit ang isang palad nito. Habang makahiga si Fiona nakatigilid at makayakap sa unan nito.
Hindi nga namamalayan ng dalaga na nakatulog na pala 'to.
"Mukhang pagod na pagod siya. Ang mabuti pa ay ako na ang magsusundo sa kapatid niya." Aniya naman ni Nida at iniwan na niya ito.
Nagising naman si Fiona dahil sa naririnig nitong boses ng kanyang kapatid.
"Ana! Bakit andito ka na? Ano'ng oras na ba?" takang tanong nito na kagigising lang.
"Alas singko na po ate at sinundo ako ni Tiya Nida sa School kanina." Sagot nito.
"Ha? Alas singko na!" Saad ng dalaga at agad itong kumilos upang mligo at magpalit ng damit. Pagkatapos ay nagmamadaling naglakad palabas.
"Ate, kumain ka muna ng hapunan. Baka malipasan ka ng gutom." Saad ng kanyang kapatid.
"Hindi na. Kailangan ko ng umalis. Pakisabi na lang kay Inay at Tiya Nida na umalis na ako." Nagmamadaling paalam nito.
"Sige po, Ate. Ingat ka at umuwi ka ng maaga para hindi magalit si Inay." Paalala pa ng nakababatang kapatid nito.
Tumango lang si Fiona bilang tugon sa kanyang kapatid at agad na 'tong naglakad palayo.
Halos isang oras na naglakad si Fiona bago makarating sa pinagtatrabahuan nito.
At nagtataka siya dahil maraming tao at sasakyan sa building na pinagtatrabahuan nito.
"Bakit maraming tao rito?" takang tanong pa niya sa kanyang sarili hanggang sa makita niya ang lalaking naka maskara na kinakausap ang manager.
"Huliin ninyo ang babae na 'yan at ikulong!" Galit na utos ni Lorenzo sa mga pulis.
"Sir, wala naman akong ginagawang masama. Legal po kami ritong nagpapatakbo at may permit ako." Agad naman na saad ni Osang.
"Legal ba 'yong nagpapatrabaho kayo ng minor de eda dito? At talagang sinasamantala niyo pa ang pagka inosente!
"Sir, wala po kayong ebidensya." Agad naman na saad ni Osang.
"Ebidensya ba ka mo? Oh ito! Tingnan mong mabuti!" Matapang na saad ni Lorenzo.
Agad na tiningnan ni Osang ang iniabot nito nakita niya ang mga picture ni Fiona at ang birth certificate nito.
"Sir, hindi ko alam na minor pa siya. Pag-usapan natin 'to." Pagmamakaawa ni Osang.
"No! Dahil ang gusto ko! Makulong ka at maipasara 'to ngayon din! At sisiguraduhin kong kailanman ay hindi na ito mago-operate!" Galit na saad ni Lorenzo.
"Si ate 'yon, ah. Ano'ng ginagawa niya rito?" Saad ng isang bata at agad nitong nilapitan ang dalaga.
"Ate! Ano'ng ginawa mo rito?" Takang tanong naman ng batang lalaki na naghatid sa kanya sa lugar na 'yon.
Agad na napalingon si Fiona sa nagsasalitang bata at nabosesan niya 'to.
"Ikaw? Ikaw 'yong batang naghatid sa akin dito, ah. Kumusta ka na?" Agad pa na tanong ni Fioan at natutuwa 'tong makita ang bata.
"Okay lang po ako. At masaya akong makita ka. Ikaw po kumusta ka na?" Agad naman na tanong ng bata.
"Ito pinagmamasdan ko sila. Kasi may mga pulis doon. Saglit lang pupuntahan ko sila roon para malaman kung ano ang nangyayari." Saad pa ni Fiona at akmang pupunta na sana 'to doon.
Nang muling magsalita ang bata.
"Ate, huwag na po."
"Ha? Bakit naman?" Inosenteng tanong ng dalaga.
"Basta, ate. Huwag na po." Muling saad ng bata.
"Hindi, kailangan kong malaman kung ano ang nangyayare." Wika ng dalaga at nagtungo nga 'to roon.
"What the--Ano'ng ginagawa niya rito? Sabi ng huwag na siyang pumunta rito, eh." Naka kunot noong saad ng binata sa kanyang isipan.
"Siya 'yong nasa picture 'di ba? Kailangan natin siyang hingian ng kumento sa presinto. Isama 'yan," utos pa ng isang pulis sa mga sa mga kasama nito.
Agad na nilapitan si Fiona ng dalawang pulis at akmang hahawakan na sana 'to ng magsalita si Lorenzo.
"Dont touch her. Wala siyang alam." Agad na saad ng binata.
"Mr. Salvacion. May itatanong lang kami sa kanya sa presinto. At umasa kayong pag-iingatan namin siya."
I'll go with her at sa akin siya sasakay." Muling saad ng binata.
Nag senyas ang isang pulis na kausap ni Lorenzo sa dalawang kasama nitong hahawak sana kay Fiona at hinayaan nga nila ang dalaga.
Doon ay doble ang kabang naramdaman ng dalaga habang nakatayo 'to. Lalo nang akmang hahawan sana siya ng pulis. Hanggang sa marinig niyang nagsalita ang lalake.
"Sumunod ka sa akin." Malamig na boses na utos ng binata.
Wala namang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumunod.
"Bakit ka pa pumunta rito? Hindi ba't binilinan na kita!" Galit na saad ng binata kay Fiona.
"Wala naman akong alam na ganito po pala ang mangyayari. Señorito, tulungan niyo po ako. Ayokong makulong." Natatakot na saad ni Fiona at napahawak 'to sa coat na suot ng binata.
Napatingin ang binata sa Inosenteng mukha ng babaeng nagmamakaawa sa kanya at napatingin siya dalawang kamay nitong naka kapit sa kanyang coat.
"Titingnan ko kung ano ang magagawa ko. Sa ngayon kailangan mong bitiwan ang damit ko." Naiilang na saad nito.
"Sorry po, hindi ko sinasadya." Agad naman na saad ni Fiona at hindi maiwasang tumulo ang luha nito.
Nakita naman 'yon ni Lorenzo at nakaramdam 'to ng awa sa babae.
"Walang magagawa 'yang pag iyak-iyak mo dyan. Punasan mo 'yang luha mo," saad pa ni Lorenzo at inabutan 'to ng tissue.
Mabilis naman na kinuha ng dalaga ang tissue at pinunasan nito ang kanyang luha.
"Sa susunod kasi kapag may sinabi ako sundin mo. Hindi 'yong nagmamatigas ka. Para hindi ka napapahamak." Muling saad nito.
Dahil sa sinabi ni Lorenzo ay lalong umiyak si Fiona.
"Sorry na po. Hindi na mauulit." Wika muli ng babae habang panay ang punas nito.
"Huwag ka ng umiyak. At ayoko ng nakakarinig ng umiiyak na bata!" Saway pa nito.
Tumingin na lamang si Fiona sa labas ng bintana ng sasakyan. At hindi mapigilang humikbi 'to.
Habang si Lorenzo naman ay napapabuga na lang ng hangin at nakasukbi ang dalawang kamay nito sa kanyang magkabilaang braso.