"Lagot si Inay," nag-aalalang saad ni Fiona sa kanyang sarili at dahan-dahan 'tong naglakad palapit sa kanyang ina.
"Inay, magandang um---" hindi pa tapos ang sasabihin ng dalaga nang makatikim 'to ng isang malakas na sampal sa kanyang pisngi.
Kung kaya napahawak na lang 'to sa kanyang pisngi. Habang maluha-luha.
"Bakit po, Inay?"
"Nagtatanong ka pa? Ano'ng oras na? Inumaga ka na ng uwi! Saan ka galing?"
"Sa trabaho po. Sorry po, Inay." Paumanhin na lang na saad ni Fiona.
"Hindi porqué pinayagan kitang magtrabaho. Uuwi ka na lang kung ano'ng oras mong gustong umuwi!" Sigaw pa nito.
"Opo, Inay. Sorry po." Walang magawang saad ng dalaga.
"Peste ka talagang bata ka!" Sigaw pa nito at akmang ipapalo na sana ang pamalo. Ngunit napatingin siya sa nakasanggang dala-dalang paper bag ni Fiona.
"Ano Yan? Akin na nga!" Tanong pa nito at basta-basta na lang kinuha.
Napatingin na lang ang dalaga sa ginagawa ng kanyang Ina na pagbubukas sa paper bag.
"Saan galing 'to?" Muling tanong ng kanyang ina.
"Sa mansion po ng mga Savacion."
"Ano? Huwag mong sabihin na galing ka pa sa mansion?!" Galit na tanong ng Ina nito.
"Opo, Inay. At sila po ang naghatid sa akin."
"Ano'ng ginawa mo roon, Ha? At ano'ng ginawa nila sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ng ina nito.
"Ang totoo po ay naroon din po sila sa trabaho ko. At sila na rin po ang naghatid sa akin dito. Kasi po namukhaan po siguro nila ako."
"Pero galit pa rin ako sa 'yo! Kaya dito ka lang sa labas at huwag na huwag kang papasok sa loob! Maliwanag?!"
"Opo, Inay."
Pumasok na sa loob ang Ina nito, habang si Fiona naman ay nasa labas lang ng bahay at umupo na lamang sa duyan. Doo nga ay hindi na rin niya na mamalayang nakatulog na pala siya.
Nagulat at napabalikwas ng bangon ang dalaga sa pagkakatulog nito sa duyan, nang may malamig na bagay na bumuhos sa kanyang mukha.
"Tanghali na, natutulog ka pa rin dyan! Hindi porqué may trabaho ka na hindi ka na tutulong sa gawaing bahay dito."
"Magbihis ka na ng damit at ihatid mo sa school ang kapatid mo!" Galit na utos nito.
"Opo, Inay." Mabilis naman na saad ni Fiona at dali-dali 'tong kumilos.
"Ate, okay ka lang po ba?" Tanong ni Ana habang naglalakad sila.
"Oo naman, puyat lang siguro ako. Kaya mukhang matamlay." Agad na sagot nito.
"Kumusta po ang work mo, ate? May sahod ka na ba?" Tanong muli nito.
"Okay lang. Wala pa nga, eh." Sagot nito na may pilit na ngiti.
"Oh, sige. Pumasok ka na sa loob ng classroom mo. Basta, ha? Hintayin mo ako mamayang hapon. Ako ang magsusundo sa 'yo." Paalala pa nito.
"Opo, Ate. Ingat ka po." Wika naman ng nakababatang kapatid nito at pumasok na 'to sa loob ng classroom.
Muling naglakad si Fiona pauwi ng bahay nila. Hanggang sa masalubong niya si Marie.
"Uy, Fiona. Balita ko may trabaho ka na raw. Tapos hatid sundo ka pa ng amo mo. Mukhang bigatin, ah. Saan ka nagtatrabaho?" Usisang tanong pa nito.
"Doon sa bayan." Agad na sagot ni Fiona.
"Oh, bakit matamlay ang mukha mo? May problema ka ba? Siguro pinagalitan ka na naman ng Nanay mo, 'noh?"
"Hindi naman, saka kung papagalitan man niya ako. Sanay na ako." Sagot nito na pinagtatakpan ang kanyang ina.
"Sige, Fiona. Saka na tayo mag-usap ulit. Baka ma late ako." Paalam nito sa kaibigan.
"Sige, ingat ka." Wika na naman ni Fiona.
'Buti pa siya nakakapag-aral. Sana ako rin," wika pa nito sa kanyang sarili.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na 'to sa kanilang bahay.
"Dumating ka na pala. Ihatid mo 'to sa mansion ng mga Salvacion." Muling utos nito.
"Opo." Mabilis naman na saad ni Fiona at kinuha na nito ang basket upang ihatid sa mansion.
Bagsak ang balikat at matamlay na naglalakad ang dalaga patungo sa mansion.
Pakiramdam din niya ay kahit na ano'ng pagod at gawin niya ay wala pa rin siyang kuwentang anak sa kanyang Ina. Kaya pakiramdam niya ay hindi siya mahal nito. O baka ampon siguro siya. Kaya gano'n ang pakikitungo nito sa kanya. Ngunit pilit niya itong winawaglit sa kanyang isipan. At bumuga na lang ng hangin.
Saka nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Hindi naman nagtagal ay nakarating nga siya sa batis na kanyang pinagliguan noong nakaraan.
Inilapag nito ang basket na kanyang dala-dala at doon nga ay tumingin pa siya sa paligid.
"Siguro naman wala na rito 'yong lalaking naka maskara. Pero paano na lang kapag pinulikat na naman ako? Hindi naman siguro. Pangako, hindi ako magtatagal. At hindi na ako magtatanggal ng damit matutuyo rin naman 'to, eh." Nakangiting saad nito sa kanyang sarili at walang ano-anong lumusong ito.
"Ang lamig!" Saad pa nito at sumisid.
Sa kanyang pag-ahon mula sa pagkakasisid ay siya rin namang pag-ahon ng lalaki at halos magdikit pa ang kanilang mukha dahil magkasalubong sila umahon.
At sa pagdilat ng kanilang mga mata ay halos lumuwa ito sa pagkakagulat. Dahil hindi nila akalain na may ibang tao pa palang naliligo roon.
Napasigaw pa si Fiona nang makita ang mukha ng lalaki.
"Aaaaaaahhhhhhh!!!!"
Kung kaya agad na tinakpan ng lalaki ang bunganga ni Fiona gamit ang palad nito. Ngunit halos mapasigaw ang lalaki at kinagat na lang ang ibabang labi nito. Dahil sa pagkakagat ng babae sa kanyang kamay. Kaya nabitiwan niya ito.
"F***k!" Napamurang saad tuloy ng lalaki.
Agad na kumilos si Fiona. Umahon mula sa tubig binitbit ang basket at dali-daling naglakad paalis..
Mabilis din na umahon ang lalaki at naglakad palayo.
Samantalang hingal na hingal naman si Fiona nang makalayo 'to sa batis.
"Sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako nakakita ng gano'ng mukha. Totoo nga ang sinabi ni Marie. Kailangan ko ng maihatid 'tong dala-dala ko at umalis agad dito." Takot na takot na saad ng dalaga at mabilis 'tong naglakad.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na 'to sa mansion.
"Ginang, ito na po ang ulam. Pakisalin na po agad." Nagmamadaling saad ni Fiona.
"Hija, relax ka lang. Okay ka lang ba? Gusto mo ba ng tubig?" Alok pa ng ginang.
"Ah, hindi na po. Kailangan ko na pong umalis dito." Kinakabahang sagot ng dalaga.
"Okay ka lang ba?" Muling tanong nito.
"Opo. Pakibilisan na lang po."
Maya maya pa ay napatingin si Fiona sa lalaki na naka suot ng maskara at palapit 'to sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit parang takot na takot ka? May nakita ka bang halimaw?" tanong nito na nagtaas ng kamay na may benda.
"Siya ba 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa kanyang isipan. At nanginig ang kalamnan nito sa takot.