Wala namang nagawa si Fiona kung hindi ang sumunod na lang.
Sa pagsakay nila ng sasakyan ay tahimik lang ang dalaga. Samantalang si Lorenzo naman ay nakapikit ang mata habang nakasandal ang likod sa upuan at may kamay na nakatakip sa mukha.
'Ano kayang iniisip niya?" takang tanong naman ni Fiona sa kanyang isipan na binabasa ang nasa isipan ng lalake.
Walang imikan ang dalawa sa daan at dahil kabisado ni Edgar ang daan. At marami 'tong alam na pasikot-sikot. Kung saan mas mapapabalis ang kanilang uwi ay hindi nga nagtagal ay nakarating na sila sa mansion ng mga Salvacion.
At nang tingnan ni Lorenzo ang babaeng kanyang katabi ay nakita niyang mahimbing na 'tong natutulog.
"Señorito, gisingin ko na."
"Huwag, hayaan mo lang siyang matulog buksan mo na lang ang pintuan." Agad naman na saad ng binata.
Kung kaya sumunod naman agad si Edgar.
Hanggang sa makita nitong binuhat ni Lorenzo ang babae ng pa bridal style.
"Señorito, ako na po." Saad pa nito.
"Ako na at pakisabi kay Manang na sumunod siya agad sa kuwarto. At kumuha ng damit pang babae." Utos pa nito.
"Masusunod, Señorito." Agad naman na saad nito.
Nang makarating sila sa isang silid ay dahan-dahan niya 'tong ibinababa sa kama.
"Mukhang, pagod na pagod siya. Kasi mahimbing pa rin ang tulog niya at hindi na gigising." Aniya naman ni Manang.
"Manang, pakuha na lang po ng damit para sa kanya." Muling utos nito.
"Masusunod po, Señorito." Agad naman na saad ni Manang at naglakad na 'to.
"Señorito, iyong pinapaayos niyo ay bukas na bukas din ng maaga ay makukuha na ninyo." Wika naman ni Edgar.
"Mabuti kung gano'n. Kapag nagising na siya ay ihatid mo na siya sa kanila." Utos muli ni Lorenzo.
"Akala ko po ba ay naawa kayo para sa kanya? Bakit kailangan pa natin siyang ihatid sa bahay nila?" Muling tanong ni Edgar.
"You know I don't like women. At sundin mo na lang ang pinag-uutos ko." Malamig na sagot nito.
"Masusunod po, Señorito." Saad na lang ni Edgar na walang nagawa at lumabas na silang dalawa ng silid.
Samantalang dahan-dahan na minulat ni Fiona ang kanyang mga mata. At bigla 'tong napabangon nang pamilyar sa kanya ang lugar na 'yon.
"Hala! Bakit nandito ako?" Takang tanong pa nito sa kanyang sarili.
"Gising ka na pala. Ang mabuti pa ay pagtitimpla na muna kita ng kape," agad naman na saad ni Manang at tatalikod na sana 'to nang marinig niyang mabilis na nagsalita ang dalaga.
"Hindi na po. Kailangan ko na pong umalis at umuwi sa bahay namin. Baka po kasi magalit na naman ang Inay." Tanggi nito na nagmamadali.
"Hihigop ka lang ng kape. Para mainitan 'yang sikmura mo. Saka malamig sa labas. Oh 'to habang hinihintay mo ako, magpalit ka na muna ng damit mo." Nakangiting saad ng ginang.
Wala namang nagawa si Fiona at sumunod na lang 'to saka mabilis na nagpalit ng damit.
"Paano nga pala ako napunta rito? Ibig bang sabihin hindi ko na namalayang nakatulog ako? Hay! Nakakahiya ka Fiona, pangalawa na 'to," takang tanong at sermon pa nito sa kanyang sarili.
"Higipon mo muna 'to. Pagkatapos ay hintayin mo ako at tatawagin ko si Edgar." Wika pa ng ginang.
"Ah, hindi na po. Nakakahiya na po sa inyo. Masyado ko na kayong naabala. Kaya ko naman pong maglakad pauwi.
"No! Paano kung may nangyari sa 'yo dyan na hindi maganda. Magiging sagutin ka pa namin. Sana inisip mo 'yan at hindi ka tutulog-tulog sa sasakyan ko." Walang emotion na saad ni Lorenzo.
"Ma-magandang umaga po, Sir. Pasinsya na po." Saad na lang ni Fiona na parang napahiya.
"Grabe, naman 'tong lalaki na 'to. Pagkatapos kang tulungan, ipapamukha rin sa 'yo." Saad naman ni Fiona sa kanyang isipan at nakatingin 'to sa naka maskarang mukha ng nagsasalita.
"Why are you looking at me?" matalim na tingin na tanong ni Lorenzo kay Fiona.
"A-Ahm wala po, sir." Agad naman sagot nito at yumuko na lang.
"Sungit," aniya na lang ng dalaga sa kanyang isipan.
"Ang mabuti pa'y higupin mo na 'yang kape mo bago pa lumamig." Saad naman ni Manang.
Dahan-dahan na lang na humigop ng kape si Fiona.
"Nais niyo po ba ng kape, Señorito?"
Pag-aalok na tanong ng ginang.
"No, thanks. Babalik na ako sa silid ko para makatulog na. At maglalakad na sana 'to nang marinig niyang magsalita ang dalaga.
"Mawalang galang na po. Gusto ko lang magpasalamat ulit doon sa nakaraan at ngayon po. Pasinsya na rin sa abalang ginawa ko." Nahihiyang saad ni Fiona habang nakayuko 'to.
"Natatandaan mo pa ba 'yong sinabi ko kagabi? Umalis ka na sa trabaho mong 'yon. At pagkatapos mong magkape Makakaalis ka na." Walang emotion na saad ni Lorenzo na para bang tinataboy nito ang dalaga at nagpatuloy na 'to sa paglalakad.
"Ano'ng problema niya?" takang tanong ni Fiona sa kanyang isipan.
"Huwag mo ng pansinin si Señorito. Gano'n lang talaga 'yon. Pero hindi 'yon galit." Agad naman na paglilinaw ng ginang.
"Huwa po kayong mag-alala. Sanay naman po akong napapagalitan. Kaya bale wala na po sa akin 'yon." Nakangiting saad naman ng dalaga saka hinigop ang isang tasang kape.
Napapatingin na lang ang Ginang sa babae.
"Alis na po ako. Mukhang nireregla po ang Señorito niyo ngayon," nagbibiro pang saad ni Fiona.
"Mukha nga, tayo na." Nakangiting saad naman ni Edgar. At naglakad na nga sila palabas ng mansion.
Pinagbukasan ni Edgar ng pintuan ng sasakyan ang dalaga saka 'to umupo sa harapan ng manobela at nagmaneho paalis.
"Puwede po bang magtanong?"
"Oo naman, ano 'yon?" Balik na tanong ni Edgar habang nagmamaneho 'to.
"Bakit po nag-iisa siya sa mansion? Ang ibig ko pong sabihin wala po ba siyang pamilya?" Usisang tanong ng dalaga.
"Mahabang kuwento kasi. Bakit mo gusto mong malaman?"
"Wala lang po. Para kasi siyang laging nireregla. Tapos nakasimangot pa na masungit. Ni hindi man lang marunong ngumiti. Hindi po ba siya dinadalaw ng mga kapamilya niya?"
"Saka ko na lang sasagutin lahat ng katanungan mo. Sa susunod na pagkikita natin. Andito na tayo sa bahay ninyo." Sagot naman ni Edgar.
"Wow! Ang bilis niyo pong magmaneho. Hindi ko po namamalayang nakarating na pala tayo." Agad na saad ni Fiona at bababa na sana 'to nang muli magsalita si Edgar.
"Bago ka bumaba ng sasakyan. Kunin mo 'to."
"Ano po 'to?" Takang tanong ng dalaga dahil sa ibinigay na paper bag sa kanya.
"Saka mo na lang buksan kapag nasa loob ka na ng bahay. Sige alis na ako. " Paalam nito.
"Sige po ingat kayo at salamat din po." Saad naman ni Fiona ng nakangiti at naglakad na 'to patungo sa bahay nila.
Ngunit hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay ay natatanaw na nito ang kanyang ina sa labas ng bahay na may dalang pamalo at salubong ang kilay.