"Ano'ng sabi mo? Noong nakaraan pinalo siya ng dos por dos ng kanyang Ina. Tapos ngayon sinabunutan siya ng kanyang ina. Asaan siya ngayon?" Hindi makapaniwalang saad ni Lorenzo.
"Señorito, nandito ako ngayon sa Bar. At nakikita ko siyang may dala-dalang tray ng alak. Hindi lang po 'yon dahil Sigurado po akong ibubugaw siya ng manager ng Bar. Lalo na ngayon pinagsuot siya ng palda na napa ikli. At pinagpipyestahan siya ng mga tao rito."
"What?!" Galit na tanong ni Lorenzo at napatayo pa 'to mula sa kanyang pagkakaupo.
"Get Her!"
"Opo, Señorito. Ako na pong bahala." Mabilis naman na saad ni Edgar.
Samantalang nang maramdaman ni Fiona na may humaplos sa kanyang binti patungo sa kanyang hita ay hindi nga niya napigilan ang kanya sarili.
Mabilis nitong hinawakan ang trey at iyon nga ginawa niyang pamokpok sa lalaking hinatiran niya ng alak.
Ngunit na sangga 'yon ng lalake.
"Bastos!" Sigaw ni Fiona.
"Iyan ang gusto ko. Balaban magkano ka ba? Para mai-bar fine na kita?" Nakangising tanong ng lalaki at kinabig pa nito ang kanyang beywang.
Ngunit palaban ang dalaga.
"Ano ba? Bitiwan mo ako!" SigAw ni Fiona dahil niyapos siya nito na para bang sinasakal. Kung kaya agad niya 'tong kinagat sa kamay upang mabitiwan siya.
"What the--" akmang sasabunutan si Fiona ng lalaki. Ngunit bigla 'tong napatumba nang may sumuntok rito.
Gulat na napatingin si Fiona sa taong sumuntok sa lalaking bastos. At hindi 'to makapaniwala nang makita niya ang mukha kung sino 'to.
"Ka-kayo po 'yong nasa mansyon." Gulat at hindi makapaniwalang saad ni Fiona.
"Sumunod ka sa akin." Utos pa nito sa dalaga.
"Saglit lang po, magpapaalam muna ako sa amo ko." Agad pa na saad nito.
"No need na, Fiona. Actually nag-usap na kami. Kaya sumama ka na sa kanya." Agad naman na saad ng manager.
"Ah, Sige po," magalang na saad naman ni Fiona at agad na 'tong sumunod sa lalaki.
"Ano pong ginagawa natin dito?" Inosenteng tanong ng dalaga nang pumasok sila sa isang malaking silid.
"Dito ka lang at huwag na huwag kang aalis. Umupo ka muna." Aniya pa ni Edgar. At umalis na rin 'to palabas ng silid saka mabilis na isinara ang pintuan.
"Ang lamig naman dito. Parang doon sa sasakyan ni Ma'am Osang. Tapos ang laki ng kama at ang lambot pa." Saad ng dalaga sa kanyang sarili at doon nga ay dahan-dahan siyang umupo sa kama.
Hanggang sa makarinig siya ng katok mula sa pintuan. Kung kaya agad siyang tumayo at tinungo ang pintuan.
Doon nga ay kanyang nasilayan ang isang babae.
"Ano po 'yon?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kararating lang na babae.
"Hello, Ma'am. Good evening po. Ito na po 'yong pagkain ninyo. Inihatid ko lang po para makain na kayo." Nakangiting sagot ng babae.
"P-Po? Pero wala po akong in-order. Isa pa po wala po akong pambayad. Baka nagkakamali po kayo." Agad na saad ni Fiona.
"Naku, Ma'am. Huwag po kayong mag-alala. Bayad na po 'to. Ilagay ko na po sa loob." Wika pa ng babae.
"Sa-Saglit lang po. Sigurado ka po bang dito 'yan?" Muling tanong nito.
"Yes, Ma'am. Siguradong-sigurado po ako. Ipasok ko na po. Huwag po kayong mag-alala. Dahil wala po 'tong lason. Saka kumain na po kayo." Wika pa ng babae at umalis na 'to.
Nagtataka na naguguluhan naman si Fiona. Napapaisip din 'to kung kanino kaya galing ang pagkain na 'yon.
Hanggang sa marinig siya ang pagkalam ng kanyang sikmura.
"Naku po! Mukhang nagugutom na yata ako. Wala naman sigurong masama kung titikim lang ako." Aniya pa nito at doon nga ay kanyang binuksan ang takip ng mga pagkain.
Agad siyang natakam at natuwa sa pagkain nang makita ang malaking slice ng manok na pinirito napalinok pa 'tong laway.
"Pangako titikim lang ako." Wika pa niya at doon nga ay kumurot sa pritong manok.
"Wow! Ang sarap nito." Aniya pa niya na nagnining ang mata.
At muli siyang kumurot sa manok. At nakakita siya ng kanin. Doon nga ay kumuha na rin siya ng kanin. At sumubo muli, saka muling sumubo ulit. Dahil sa gutom at paulit-ulit na kurot sa manok ay hindi nito namamalayang halos maubos na pala niya ang kinakaing manok at kanin.
"Hala ka! Hindi ko na mamalayang halos maubos ko na pala. Lagot ako nito." Nag-aalala niyang saad sa sarili kong kaya inayos niya 'to at lumayo sa pagkain. Agad niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang tissue.
Muli siyang umupo sa kama.
"Kanino kaya galing 'yong pagkain? Saka bakit andito ako? Ano bang gagawin ko rito? May hinihintay ba ako rito?" Sunod na tanong pa nito sa kanyang sarili at hindi siya mapakali. Kung kaya tumayo siya at akmang bubuksan ang pintuan. Ngunit naisipa niya ang sinabi ng lalaki na hindi siya puweding lumabas.
Kung kaya muli siyang bumalik sa kama at umupo ulit. Saka biglang ibinagsak ang katawan sa kama ng nakatihaya.
Maya maya pa ay nakaramdam siya ng antok. Kung kaya hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya.
"Where 's She?"
"Nasa loob na po, Señorito. Pinadalhan ko na rin ng pagkain para makakain siya."
"Good." Aniya pa nito at nagtungo na kung nasaan si Fiona.
Doon nga ay dahan-dahan na binuksan ni Lorenzo ang pintuan ng silid. At agad na pumasok sa loob.
Nadatnan niya ang dalaga na nakatihayang natutulog habang nakalaylay ang dalawang paa sa kama.
Hindi niya maiwasang tingnan ang suot nitong palda na nagkikintaban dahil sa glitters at nakapaikli. Doon ay agad niyang kinuha ang kumot at kinumutan 'to.
"Kawawa ka namang bata ka." Aniya pa nito sa kanyang isipan at hindi maiwasang tingnan ang inosenteng mukha nito.
Hindi niya alam kung bakit para bang nakakaramdam siya ng awa rito. Dahil bukod sa sinasaktan 'to ng kinikilala niyang Ina na hindi alam ang tunay na dahilan ay napasok pa siya sa trabahong hindi dapat.
Akmang tatanggalin sana nito ang butil ng kanin sa buhok ng babae nang Gumalaw ito at biglang dumilat ang mata.
Kung kaya umiwas siya ng tingin at mabilis na ipinasok ang kamay sa bulsa ng kanyang jacket.
"Gising ka na pala." Aniya ni Lorenzo.
"I-Ikaw? Hi-Hindi ba't ikaw 'yong lalaki sa mansyon! A-Ano pong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fiona at agad itong bumangon.
"A-Ah. Kasi-kasi 'yong..." Nauutal na saad ni Lorenzo at napatingin 'to sa lamesa at napaturo.
"Naku! Sa 'yo po ba 'yong pagkain? Kayo po ba 'yong nag-order. Pa-Pasinsya na. Pangako babayaran kita. Pero sa ngayon utang muna." Agad na paumanhin ng dalaga.
"Ah.....Oo. Sige, utang mo na lang sa akin." Saad na lang ni Lorenzo.
"Siya nga pala. Alam mo ba 'yang pinapasokan mong trabaho?" tanong nito.
"Ah. Oo naman po. Waitress ako taga hatid ng order ng customer." Agad na sagot ni Fiona.
"Hindi mo ba alam na puwede mong ikapahamak ang trabaho mong 'to?" Seryosong tanong nito.
"Pero kailangan ko po ng trabahong 'to. Para sa Inay ko, para makapag-ipon ako ng pera. Para makapag-aral ako ulit. Bukod doon itong trabaho lang na 'to ang tumanggap sa akin kahit wala pa akong labing walong taon. Kaya kahit pa gaano kahirap ang trabaho na 'to. Kakayanin ko." Positibong saad nito.
"What the F***k! Napaka bata pa niya para suungin ang ganitong trabaho. At ang totoo wala talaga siyang alam sa trabaho na 'to." Napamurang saad ni Lorenzo sa kanyang isipan at naikiyom pa nito ang kanyang kamao.
"Makinig ka sa akin. Umalis ka na sa trabahong 'to. At huwag ka ng papasok bukas. Naintindihan mo?"
"Hala, Sir. Hindi po puwede. Kasi nakapangako na ako kay Ma'am Osang. Isa pa po ay tutulungan niya ako kung paano kumita ng malaking pera."
"Iyon ba ang pinangako niya sa 'yo? Sige ako na lang gagawa ng paraan para makaalis ka." Anya pa ni Lorenzo.
"S-Sir, huwag po. Pangako babayaran ko 'yong kinain kong manok." Aniya pa ni Fiona na iniisip na dahil sa kinain nito. Kaya nagkakagano'n ang lalaki.
"Edgar! Ibalot mo 'yong pagkain at ibigay mo sa kanya pagbaba niya ng sasakyan!" Utos pa nito.
"Opo, Señorito.
"Ihahatid ka na namin sa bahay ninyo. Kaya sumunod ka sa akin." Wika pa ni Edgar sa dalaga.
"Paano po ako sasabay sa inyo? Eh, mukhang galit siya sa akin." Nag-aalalang saad ni Fiona.
"Hindi mo kasi inubos 'yong pagkain, kaya nagagalit siya," saad ni Edgar na natatawa sa isipan.
"Kapag inubos ko naman 'yon. Mas lalaki ang utang ko sa kanya." Inosente pang saad ni Fiona.
"Hindi 'yon, huwag kang mag-alala. Mabait si Señorito." Agad naman na saad ni Edgar na napapangiti.