Gumapang

1324 Words
Pinatawag agad ni Lorenzo si Edgar at kinausap upang utusan. "Sundan mo siya kahit saan man siya pumunta. At alamin mo kung saan siya nagtatrabaho." Utos pa ng binata. "Masusunod, Señiorito." Agad naman na saad ni Edgar at umalis na 'to agad. Mabilis na dumaan ang oras at hapon na nga. Kung kaya sinundo na ni Fiona ang kapatid nito. "Ate!" Nakangiting wika ng kanyang kapatid nang makita niya 'to. "Kumusta ang araw mo?" Nakangiting tanong naman ng dalaga. "Okay lang 'te." Agad naman na sagot ni Ana. "May assignment ka ba?" Tanong muli ni Fiona. "Wala po!" "Mabuti kung gano'n." "Bakit niyo po natanong 'te?" "Kasi para maaga akong makaalis sa bahay. Ngayon ang panimula ko sa trabaho ko. " Agad naman na sagot ni Fiona. "Ate, mag-ingat ka po roon, ah. Kapag may nanakit sa 'yo at nambastos. Suntukin mo agad." "Oo naman, ako pa." Agad naman na saad ng dalaga habang nakangiti 'to. Nagsimula na nga silang maglakad. Hanggang sa nagulat sila nang may bumisina na sasakyan sa kanilang likuran na kanilang kinagulat. At sabay pa na napalingon ang magkapatid. Hindi naman naglaon ay huminto ang sasakyan at bumukas ang bintana. Saka may dumungaw. "Fiona, sumakay na kayo at ihahatid ko kayo sa bahay ninyo." Agad na saad ng babaeng nakilala agad ng dalaga. q "Naku, Ma'am. Huwag na po. Nakakahiya sa inyo saka sanay na po kaming maglakad na uuwi." Tangging saad ni Fiona. "Sige na, mukhang uulan pa. Tingnan mo 'yong panahon makulimlim na. Baka mabasa kayo sa daan." Pagpupumilit ng babae. Napatingin si Fiona sa kalangitan. At tama ang sinabi ng babae makulimlim nga at baka hindi magtagal ay bubuhos ang ulan. "Tara na." Aya muli ng babae at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Doon nga ay agad na sumakay ang magkapatid. Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila. "Fiona, ano kaya kung hintayin ka na namin? Tutal papunta na rin ako." Saad ng babae na sinisiguradong papasok ang dalaga. "Sige po, magpapaalam lang ako kay Ina'y at sa tyahin ko po." Sagot ng dalaga at agad na 'tong bumaba ng sasakyan. "Ma'am, mukhang sinigurado niyo pong papasok siya, ah? Dahil talagang sinundo niyo pa po." Saad ng driver nito. "Kahit araw-araw ko pa siyang ihatid sundo. Okay lang, basta pumasok siya. Dahil sigurado akong malaking pera ang kikitain ko sa kanya." Saad ng manager na kita sa mukhang ang pagkagahaman nito sa pera. Samantalang kapapasok naman ng bahay ng magkapatid nang biglang magsalita ang ina nila. "Sino 'yon?" Agad na tanong nito na seryoso ang mukha. "Kaya pala, Inay. Mano po," agad na saad ni Fiona. "Huwag mo ngang ibahin ang usapan. Tinatanong ko kung sino ang naghatid sa inyo?" Tanong muli ng kanyang ina na nanlilisik ang mga mata. "Iyong nasa labas po ay ang aking Amo." Sagot nito. "Pinagloloko mo ba ako, Fiona? At sino ka naman, para ihatid ng amo, ha?!" Galit na tanong nito. Nagulat na lang si Fiona nang bigla na lang hinilay ng kanyang ina ang buhok nito. "Inay, nasasaktan po ako." Agad na saad nito. "Masasaktan ka talaga kapag nagsinungaling ka sa akin!" Wika pa muli ni Delia na kinakaladkan si Fiona palabas ng bahay habang hila-hila ang buhok nito. "Delia! Tama na 'yan!" Saway naman ni Nida na kararating lang nito at nakita ang pangyayari sabay tanggal sa kamay ni Delia na nakahila sa buhok ni Fiona at hinila sa kanyang likuran ang dalaga. "Ano na naman bang problema mo? Bakit sinasaktan mo naman si Fiona?!" Galit na tanong ni Nida. "Iyang babae na 'yan ay sinungaling!" "Inay, hindi po ako nagsisinungaling. Amo ko po talaga ang babaeng nasa loob ng sasakyan. Katunayan nga po ay hinihntay na nila ako dahil sasabay na po ako sa kanila." Muling saad ni Fiona na halos mangiyak-ngiyak na. Hanggang sa napalingon sila sa babaeng bumaba ng sasakyan at agad silang nilapitan. "Okay ka lang ba?" Tanong pa ng manager na lumapit kay Fiona. "Opo, okay lang po ako." Agad na sagot ng dalaga. "May problema po ba? Ano pong maitutulong ko?" Tanong pa nito kay Delia. "At sino ka naman?" Mataray na tanong ni Delia sa babaeng bumaba ng sasakyan. "Ako po si Osang. Ako ang amo ni Fiona at hinihintay ko lamang siya." Agad na sagot nito. Tiningnan ni Delia ang babae mula ulo hanggang paa nito. "Siya po ang Amo ko Inay. Sa kanya po ako magtatrabaho." Muling saad ni Fiona. "Pasinsya na kung hindi po ako agad nagpakilala. Huwag po kayong mag-alala. Dahil ako po ang bahala kay Fiona at sinisigurado ko pong walang masamang mangyayari kay Fiona." Saad pa ng Manager. "Mawalang galang na. Ano ba ang papasukan niyang trabaho sa 'yo?" Pakikialam na tanong naman ni Nida. "Hindi ba niya nasabi sa 'nyo na ang trabaho niya sa akin ay utusan ko sa tindahan?" Sagot nito. "Ayon naman pala, Delia. Siguro naman malinaw na sa 'yo." Aniya pa ni Nida. "Ang mabuti pa ay umalis na kayo. Baka abutan pa kayo ng malakas na ulan." Muling saad ni Nida. "Oh, sige. Aalis na kami. Salamat sa inyo." Agad din na saad ni Osang at hinawakan nito ang kamay ng dalaga saka mabilis na binuksan ang pintuan ng sasakyan. At mabilis naman na pinaandar ng driver ang sasakyan. "Iyon ba ang Inay mo?" Tanong naman ni Osang sa dalaga. "Opo," tipid na sagot nito. "Gano'n ba talaga siya sa 'yo?" Muling tanong nito. "Opo, pero kasalanan ko naman po. Pasinsya na po kung nakita niyo 'yon." "Kung ako sa 'yo. Sundin mo lahat ng ipag-uutos ko at sinisigurado ko sa 'yong matutuwa ang Inay mo kapag nag-uwi ka ng malaking pera sa kanya." "Huwag po kayong mag-alala. Pagbubutihin ko pong mabuti ang trabaho ko, sisipagan ko po. Para kahit paano ay matuwa naman si Inay sa akin ." Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa Bar. Pagpasok nila sa bar ay dumiretso sila isang silid at doon nga ay ang daming babae ang nakikita ni Fiona at pinagtitinginan siya ng mga 'to. "May bagong pasok, ah. Mukhang mabinta 'to. Inosente, eh." Naririnig na bulong-bulongan ni Fiona. "Kayong lahat huwag kayong maingay at makinig kayo sa akin. Ito si Fiona, ako mismo ang magti-training sa kanya. At walang sino man sa inyo ang kakalabit sa kanya o mang-uutos maliban sa akin. Oh, sige na. Magsikilos na kayo." "Fiona, sumunod ka sa akin." Utos pa nito sa dalaga. Agad namang sumunod si Fiona habang pinagmamasdan nito ang mga babaeng nagpapalit ng damit. "Fiona, isuot mo 'to." Utos pa nito sa dalaga. Agad na isinuot ni Fiona ang ibinigAy nitong damit. "A-Ahm, Ma'am. Hindi po kaya masyong maikli 'tong palda ko?" tanong ni Fiona dahil halos lumitaw ang makinis nitong legs at hindi siya sanay magsuot ng palda na punong-puno ng glitters at hapit na hapit sa kanya. Kung kaya lumutang ang kurba ng kanyang katawan. "Nope! Bagay na bagay sa 'yo." Nakangiting sagot nito. At tinititigan siya mula ulo hanggang paa. "Ma'am, ano pong gagawin ko?" Inosente pang tanong ng dalaga na hindi komportable sa kanyang suot. "Ito, ihatid mo 'tong order doon sa lalaking nasa dulo at nag-iisa sa table." "Sige po." "Ops. Huwag mong kakalimutang ngumiti. Sige na," saad pa nito. Dahan-dahan na naglalakad si Fiona habang dala-dala ang isang tray na may bucket ng ice tube at isang bote ng alak na may isang basong babasagin. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba at hindi maipaliwanag. Hindi pa siya makalakad ng maayos dahil sa mga ilaw na paiba-iba ng kulay at patay sindi. Bukod pa roon ay pakiramdam niya ay pinagtitinginan siya ng mga tao roon. Hanggang sa makarating na nga siya. Doon ay dahan-dahan niyang inilapag ang dala-dalang tray gano'n din ang mga nasa tray. Gaya ng bago bucket ng ice tube at kung ano-ano pa. Nagulat 'to at halos manginig ang kanyang laman nang may maramdaman siyang humplos na mainit na bagay sa kanyang binti gumapang pa 'to patungo sa kanyang hita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD