KABANATA 25 "'WAG MONG kunin ang offer. Hayaan mo lang siyang maging makulit." Ani Jackson habang nagvivideocall sila ni Marceline. "Ganoon lang talaga si Mama, pero 'di mo naman kailangang sundin ang gusto niya." Suminghot si Marceline at isinuot ang makapal na sweater saka inilagay ang phone sa ibabaw ng mesa habang nakasandal iyon sa isang baso. "Paano ko namang hindi papansinin, nakakahiya naman sa mama mo... saka siya mismo ang pumupunta sa La Satina Hotel para sadyain ako." Nagtungo siya sa harap ng kitchen top at nagtimpla ng gatas. "Bakit ba ayaw mong magkausap kami?" Dagdag niya pa. Bahagyang natawa si Marceline at nagtungo sa harap ng maliit na mesang kahoy saka inilapag sa tabi ang baso na may itinimplang mainit na gatas. "Kung sa bagay, baka malaman niyang probinsyana

