KABANATA 26 MULA PAGTULOG noong gabing iyon hanggang sa mga sumunod na araw ay nagtuluy-tuloy ang pakikipagusap ni Marceline sa kababatang si Jappa. Nangangamusta lang naman ito at nagtatanong kung ano na ang mga kaganapan sa kaniya rito sa Maynila. Alam ng isipan niya na ito lang ang lalaking gustung-gusto at hinahabol niya mula pa noong bata pa lang sila kaya naman naninibago siya na binibigyan siya nito ng atensyon ngayon. From: Jappa Nag-apply na kami ni Isagani riyan sa Maynila ng trabaho noong nakaraang linggo. Kapag nakaluwas na kami, pwede tayong magkita? Natulala si Marceline sa screen ng cellphone niya at kaagad na nagtipa ng irereply. To: Jappa Kung wala pa kayong matutuluyan ni Isagani, pwede kayo rito sa apartment ko. Magkita kita tayo nila Teresa kapag nakabyahe na kay

