KABANATA 27 NANG MAKARATING sa bayan ng Villa Residencia ay nanatiling nasa isang tabi si Marceline. Ibinilin na kaagad ang bata sa kaniya at maayos naman niya itong inalagaan. Sanay siya sa kahit anong trabaho, kahit ang mag-alaga ng mga bata kaya naman sisiw na lang sa kaniya na kuhanin ang loob ng halos 4 months old na bata. Nasa tabi niya si Jackson hanggang sa makapasok sila sa malaking bakuran ng mansyon ng mga Guevarra. Pansin niya ang pagiging malamig, tahimik, at suplado nito sa kahit sino. "Ayos ka lang ba?" Pang ilang ulit na tanong niya rito. Tinapunan siya ng tingin ng kinausap at hindi nagkaroon ng pagkakataong makasagot nang lumabas na mula sa mansyon ang pamilyang sumalubong sa kanila. "Jackson! Nandito na kayo!" Lumabas ang dalawang babae na 'di nalalayo ang edad kay

