KABANATA 21 PAGMULAT ng mga mata ni Marceline ay wala na siya sa living room ng bahay ni Jackson, pareho na silang nasa kama nito at nasa ilalim ng pinagsasaluhang makapal na puting comforter. Nasa tabi ang lalaki, mahimbing na natutulog habang nakayakap ang isang braso sa katawan niya. Pinigilan niyang huwag mag-react nang sobra kahit iyon ang gusto niyang gawin ngayon mismong wala na ang alak sa sistema niya. "Shuta, hindi nga panaginip ang nangyari... pumayag talaga ako." Nangingiwing kinagat niya ang mga daliri saka dahan-dahang nilingon muli ang payapang mukha ng nahihimbing sa pagtulog na si Jackson. "Do you really have to do it?" "Oo!" "Then do it with me." Nahihiyang napapikit nang mariin si Marceline nang maalala ang eksaktong mga salitang iyon mula sa usapan nila kagabi.

