KABANATA 22 NANG MAKAPASOK si Jackson sa loob ng kotse ay naabutan niya si Marceline na nakatingin sa salamin, nangingiwi at halos maiyak iyak na hinahawakan ang kung ano sa kaniyang leeg. "Why, why, what's the matter?" Energetic na bungad niya rito. Itong araw na 'to yata ang pinakamagandang araw sa buong taon niya. Ngayon lang siya natuwa sa isang setup na palagi naman niyang ginagawa sa ibang babae mula pa noon. Alam ni Jackson na may 'thrill' ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon at gustong gusto niya ito. Magaan na magaan ang loob niya kay Marceline at gusto itong nakakasama palagi, siguro ay 'l**t' at 'friendship' lang talaga ang rason dahil hindi ito kasing-'needy' gaya ng lahat ng babaeng dumaan sa kaniya, aniya sa isipan. Paglipat niya ng tingin kay Marceline ay naabutan n

