KABANATA 15 NANG MAGISING dulot ng pagbaliktad ng tiyan ay dire-diretsong tinakbo ni Marceline ang banyo. Matapos ang ilang minutong pagtambay roon ay doon lang siya natauhan kung ano ang nangyari noong nakaraang gabi bago tuluyang humalo ang alak sa kaniyang ulo. Naparami talaga ang bigay sa kaniya ng alak noong katrabaho niyang si Lester, hindi niya tuloy alam kung sinadya nitong lasingin siya o siya talaga ang may kasalanan dahil hindi niya na napansin ang sunud sunod na paginom. Kung titignan, nasa bahay siya ni Jackson, buo pa naman ang suot na damit at nang kapain ang pagkababae... wala namang pakiramdam na mali. Nailing siya, siyempre naman hindi iyon gagawin ni Jackson... aniya sa isipan. Palabas na sana siya ng pinto ng banyo nang matigilan. Literal. Humarap ulit siya sa salami

