KABANATA 16 “SO, IHA, magkano naman ang hinuhuthot mo rito sa anak ko?” Halos mahilamos ni Jackson ang sariling palad sa kaniyang mukhang habang ang kaniyang ina ay hindi matapos tapos sa pag-interview at pagsindak kay Marceline. Narito na sila ngayon sa living room, sa couch, katabi niya si Marceline na nakaupo habang ang ina ay elegante at striktang nakaupo sa single sofa. Ang kaninang pagtatago ay naging palpak hindi dahil sa nahulog na pamaypay kung hindi dahil sa napansin ng ginang na extrang plato na pinagkainan sa hapag kainan. Ang unang pinaghanapan ng ginang ay ang ilalim ng mesa. Kilala niya ang anak, palagi itong may babae na kasama rito sa bahay niya, para lang makipag-s*x. Walang kahit anong bakas ng pagseseryoso sa buhay pero hindi niya naman masisi dahil successful ito s

