KABANATA 17 HUWEBES NA at abala sa pagtatrabaho si Marceline sa La Satina Hotel bilang waitress ng mga event gaya ng nakagawian magmula noong magumpisa siya rito, ilang linggo na ang lumilipas. Ganitong araw palagi sa bawat linggo ay nakakaramdam na siya ng kasabikan na mag araw na ng Byernes pero iba ngayon. Sinabi ni Jackson sa kaniya sa call na hindi raw ito sigurado kung nakaalis na ng Manila ang ina kaya huwag muna siyang magpunta ng bahay nito. Sa parte naman ni Marceline, natatawa na lang siya, naisip niyang siguro ay natatakot lang ang ina ni Jackson na hindi na ito magseseryoso pa sa buhay kaya ganoon. "Marceline, ang ganda ng picture na ipinost mo noong isang araw." Dinig niyang komento ng katrabaho nang makatabi ito sa area kung nasaan ang foods sa event. "Thank you, Mar

