Sir Francis Simula noong nakilala ko si Alexandra eh parang may nag-iba sa akin. Palagi na kaming nag-aaway ng asawa ko, ni hindi ko na nga gaanong pinapansin si Mikaela eh. Ano nga ba ang meron siya na wala si Veronica at Mikaela? Hindi pwede ito eh, kasal ako sa asawa ko kahit ano pang sabihin ko. Wala akong lusot, inlove ba ako sakanya o ganito lang ako dahil bago pa lang siya sa panlasa ko? Haynaku, ewan ko na! Lalo na noong gusto na niyang sabihin kay Mikaela ang totoong nangyayari sa amin, akala ko talaga eh itutuloy niya pa iyon. Buti na lang kunwari ay nagalit ako sakanya para hindi niya gawin iyon. Bakit nga ba ako natatakot ako na mawala siya? Hindi naman ako ganito kay Mikaela dati eh. Habang nag-aayos ako ng gamit papunta sa opisina ay pinuntahan naman ako ng asawa ko, si V

