Alexandra Pagdating ni Sir Francis ay nagulat ako sa mukha niya. Tuwang-tuwa siyang pumasok ngayon sa opisina, bakit naman kaya? Ano naman kaya ang nakain noon? Hindi ba laging mainit ang ulo niya kapag napasok dito? Iba yata ang umaga niya ngayon ah, may pagkabipolar yata talaga 'tong si Sir Francis eh. "Alexandra, can you go to my office?" tanong niya bigla sa akin at may dala-dala siyang box na pahaba na kulay puti "Kailan po sir? May aayusin lang po ako and then susunod na po ako sa inyo." sagot ko naman sakanya Ano na naman kaya ang pakulo ni Sir Francis sa akin ngayon? For sure hindi naman ito para sa upcoming monthsary nila kasi hindi naman totoo mga sinabi niya noong nasa fastfood chain kami. Haynaku, bahala na nga siya sa buhay niya. Susunod na lang ako sa gusto niya baka ka

