Alexandra Bago ako bumalik sa desk ko, inayos ko muna ang aking buhok at saka huminga ng malalim. Bawal akong makita ni Mikaela o sino man sa opisina dahil kahina-hinala ang itsura ko. Parang akala mong galing ako sa isang mahangin na lugar sa sobrang gulo ng aking buhok eh. s*x pa more, sarap ba 'te? Nilagay ko din sa aking bag ang binigay niya sa aking kwintas na may letter A. Lalong magtataka si Mikaela kapag nakita niya ito dahil wala naman akong dala-dalang ganito noong pumasok kaming dalawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin na magic, hindi ko din pwedeng sabihin na napulot ko lang kung saan dahil hindi naman ako nalabas eh at mas lalong hindi ko pwedeng sabihin na galing ito kay Sir Francis dahil mas lalong magagalit iyon. Habang naglalakad ako papunta sa aking desk eh may narinig a

