Alexandra Nagising na lang ako na hilong-hilo at sobrang sakit ng ulo ko. Nagising ako sa isang malaking boses na sumigaw malapit sa pintuan ng kwarto. Urgh, ano bang oras na? Bakit ang ingay nila? Anong meron? "Sky, anong meron?" tanong ko pagkatapos lumabas ng kwarto "Ah, wala. Hindi ko kasi maayos itong pagluluto ko. Nagpapractice kasi ako, alam mo na sa oras na ikasal na kami ni Gab eh di mapapagluto ko na siya ng pagkain hindi ba? Magiging good housewife na ako soon." sabi niya sa akin Hindi marunong si Sky na magluto kaya madalas ang naka-assign sa mga ganoong bagay ay kami ni Mikaela. Ayos lang naman sa amin iyon dahil sanay kami magluto. Loka-loka talaga 'tong si Sky minsan eh. "Akala ko naman kung ano na ang nangyayari sa iyo. Nasaan na sina Paris at Mikaela?" tanong ko naman

