Francis Akala ko hindi ko na maliligtas pa ang asawa ko kagabi. Kahit naman mag-away kami lagi at the end of the day asawa ko pa rin siya. Ngayon pumasok sa utak ko na siya pa rin pala ang laman ng puso ko. Baka nabaitan lang ako kay Alexandra kaya ko nasabi sa sarili ko na gusto ko ang babaeng iyon. *flashback last night* Within 15 minutes ay nakapunta agad ako sa bahay galing sa aking condo unit. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi Niya hinayaan na mawala ang asawa ko. "Sir, uminom po ng kung ano-anong gamot si Mrs. Veronica kaya po siya nawalan ng malay. Nakita ko na lang po siya nakahandusay sa sahig kaya tinawagan ko po agad kayo." sabi sa akin noong maid namin sa bahay "Sige, isakay na natin siya sa kotse. Bilisan ninyo." sabi ko n

