Alexandra Alam kong mali itong gagawin ko pero bahala na. Gusto ko lang naman makita si Sir Francis eh, pwede naman siguro iyon hindi ba? Malaki ang epekto nito sakanya kaya handa akong damayan siya ngayon. Kailangan niya ng kausap dahil sa nangyari. May mga bagay din na gusto akong linawin dahil gulong-gulo na ang isip ko sa mga pinapakita niya eh. "Bitches, I'm just going somewhere okay? Kayo muna ang bahala dito. May aayusin lang ako." sabi ko dalawa kong kaibigan "Saan ka naman pupunta? Hindi naman siguro sa trabaho kasi hindi ka nga pumasok kanina hindi ba?" tanong ni Paris "Hindi doon. May kikitain ako, may session kami ngayon eh. Magpapakabitch nanaman ako mamaya, goodluck sa akin. Haynaku, hindi na ako natapos dito eh." sabi ko kay Paris sabay tawa "Sige na, umalis ka na. Baka

