Mikaela Buong maghapon akong tahimik lang sa kwarto ko at walang sino man ang kinakausap. Sobrang down ako sa mga nangyayari sa amin ni Francis. Malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang babae niya, alam kong may iba pa at iyon ang dapat kong malaman. Hindi ako titigil hangga't hindi ko iyon nalalaman. Nabulabog ako dahil sa isang tunog sa labas. Si Paris at Sky nag-uusap ng malakas at nagtatawanan. Ano naman kaya ang meron? Diyos ko, gabi na pala. Dahil sa sobrang lungkot at init ng ulo ko ay hindi ko na alam ang mga nangyari ngayong araw. Gutom na gutom na pati ako, naririnig kong kumukulo ang aking tiyan. Lumabas naman ako para tingnan kung anong ginagawa ni Paris at Sky. Nasaan naman kaya si Alexandra? Lagi na lang wala ang babaeng iyon. Nakakapagtaka na minsan kung sino ang pinupu

