George Tinext ko si Alexandra dahil miss na miss ko na siya. Hindi ko pa siya nakakausap ulit, gusto ko na siyang makita at makamusta. Ganoon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao, kahit saglit mo lang siyang makita ayos ka na. Pagdating niya sa place ko ay puno ng luha ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi niya naman nasabi sa akin iyon sa text. Buti na lang pala talaga naisip ko siyang kamustahin kundi ay walang iintindi sakanya ngayong gabi. "Oh? Napaano ka? Okay ka lang ba? Bakit naiyak ka? Sino ang may gawa nito sa iyo?" puro tanong ako sakanya Hindi ako nakarinig ng kahit ano mang salita galing sakanya. Iyak lang siya ng iyak, umupo kami sa sofa at doon pinagpahinga ko muna siya. Halos hindi na kasi siya makaiyak dahil sa kakaiyak niya. Kawawa naman si Ale

