Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror habang inaayusan ng make-up artist. Ramdam ko ang lamig ng foundation brush sa pisngi ko habang maingat na biniblend ng make-up artist ang kulay para matakpan ang puyat at pagod ko sa mga nakaraang araw. Sa background, maririnig ang mahihinang tunog ng blow dryer at ang faint na musika mula sa labas ng dressing room. “Konting highlighter lang dito, para kita ang cheekbones mo,” sabi ng make-up artist habang ngumiti sa salamin. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Serona, naka-black leather na mini dress, confident ang lakad, kasunod si Yllah na may hawak pang cup ng milk tea. “Ay wow!” bungad ni Serona, sabay dampi ng kamay niya sa balikat ko. “Sino ’to? Parang di na si Chas! Pang pageant ang aura!” “Grabe ka, Chas!” ani Yllah, sabay upo sa tabi k

