WARNING CONTENT AHEAD BAWAL SA BATAAA!!‼️ huwag matigas ang ulo Pagpasok ko sa VIP room, humugot ako ng malalim na hininga. Ang ilaw sa stage ay madilim pa, pero rinig ko na ang mabagal at sensual na tugtog ng musika sa likod. Suot ko ang maskara, ang costume na pinili para sa akin—isang manipis at makinang na telang halos dumudulas sa balat, habang ang high heels ay kumakabog sa kahoy na sahig ng entablado. Pagliwanag ng spotlight, doon ko siya nakita. Nakaupo siya mag-isa sa gitna ng malaking leather couch—si Captain Hendrix Zillman. Nakaupo na parang isang hari sa trono. Suot pa rin niya ang pormal na uniporme ng piloto, ngunit ngayon, ang tingin niya ay hindi propesyonal—ito ay puno ng interes, pagkasabik, at paghanga. Nakita kong bahagyang lumaki ang mata niya nang ako'y lumabas mu

