Sais

1432 Words
"Okay, enough na sa chika," biglang sabi ni Lyka habang inaayos ang kontrata sa lamesa. "Ipapakilala na kita sa mga bagong kasama natin." Muli akong napalunok. Alam kong hindi pa rito nagtatapos ang dapat kong malaman sa mundong pinasok ko, pero sa ngayon, mas kailangan kong mag-focus sa mga taong makakasama ko gabi-gabi sa trabaho. Tumayo si Lyka at sinenyasan akong sumunod sa kanya palabas ng opisina. Muli kaming dumaan sa makitid na hallway, hanggang sa marating namin ang isang maluwag na dressing room—punong-puno ng malalaking salamin, vanity lights, at mga racks ng napakaraming kasuotan na mas daring kaysa sa mga damit na suot ko dati. Pagpasok namin, agad akong sinalubong ng iba't ibang tingin—may halong pag-uusisa, pagsusuri, at ilang piraso ng panghuhusga. "Mga girls," sabi ni Lyka habang pinalibutan kami ng mga babaeng nasa loob, "ito nga pala si Chasandria—ang bagong dancer natin. Magaling ‘to. As in, nakakaloka ang galing." May ilan sa kanila ang napangiti, ang iba naman ay nagtinginan na parang nagtataka kung paano ako natanggap agad. Isang babae ang unang lumapit. Matangkad, maputi, at may matapang na dating. Nakasuot siya ng silk robe na bahagyang nakabukas, kita ang pulang lingerie sa loob. Halatang beterana na siya sa lugar na ‘to. "Ako si Venus," aniya, ang boses niya ay malambing pero may halong tapang. "Baguhan ka, ‘no? Mukha ka pang inosente." Hindi ko alam kung insulto ‘yon o papuri. "Medyo," sagot ko na lang, pilit ngumiti. "H’wag kang mag-alala," singit ng isa pang babae na may kulay blondeng buhok at full lips na parang laging naka-pout. "Lahat naman tayo dumaan sa pagiging baguhan." Ngumiti siya nang matamis. "Cassie pala." Nakahinga ako nang bahagya nang makita kong hindi naman lahat ng tao rito ay mukhang hindi tanggap ang presensya ko. "At ako naman si Mira," sabi ng isa pang babae na may kulot na buhok at morena ang balat. "Basta isang tip lang, Chas—h’wag kang magpapaapi. Alam mo naman, ang mga baguhan, laging sinusubukan kung gaano katibay." Napatingin ako kay Lyka, na tumango lang sa sinabi ni Mira. "Tama ‘yan," sabi ni Lyka, saka ngumiti nang pilya. "Pero knowing you, Chas, kaya mo ‘to." Tumango na lang ako. Hindi ko pa alam kung tama ang naging desisyon ko, pero isa lang ang sigurado ko ngayon—wala nang atrasan ‘to. "I'm Yllah," sabi ng isang babae habang lumapit siya sa akin. Napansin ko agad ang kanyang mahaba at tuwid na buhok, pati na rin ang matatalas niyang mata na tila laging may alam na hindi mo alam. Pero kahit may aura siyang misteryoso, magaan ang ngiti niya. "Baguhan ka, ‘no?" tanong niya, bahagyang nakataas ang kilay. "Oo," sagot ko, pilit pinapanatili ang kumpiyansa sa boses ko kahit pakiramdam ko ay parang nilalamon ako ng lugar na ‘to. Bago pa ako makasagot ulit, isang lalaking dancer naman ang lumapit. Matangkad siya, matipuno ang katawan, at halatang sanay sa paggalaw ng katawan niya—may kumpiyansa sa bawat kilos niya. "Hi, new dancer?" bati niya, ang boses niya ay malalim pero may lambing. "I'm Trois. Dancer din ako dito." Napansin kong kumindat siya nang bahagya, pero hindi ko alam kung natural lang ba talaga siyang ganoon o trip niya lang akong biruin. Ngumiti na lang ako at tumango. "Nice to meet you, Trois Pagkatapos ay may isa pang babae na sumingit sa usapan. Matangkad siya, may maikling buhok, at may eksotikong kagandahan na mahirap ipagsawalang-bahala. Halos ‘di mo siya matitigan nang diretso dahil sa tindi ng presence niya. "Hi! I'm Arya!" aniya, malakas ang dating ng boses niya. "H’wag kang mag-alala, Chasandria. Masaya dito, lalo na ‘pag nasanay ka na." Hindi ko alam kung paano ko dapat maramdaman ‘yon—kung dapat ba akong matuwa o kabahan. "Salamat," sagot ko na lang, pinipilit ang sarili kong maging komportable sa presensya nila. Sinulyapan ko si Lyka, na nakatayo lang sa gilid, pinagmamasdan kung paano ko dadalhin ang sarili ko sa sitwasyon na ‘to. Nang magtama ang tingin namin, ngumiti siya nang bahagya, parang sinasabing: "Tingnan natin kung makakasabay ka." Hindi ko alam kung kakayanin ko. Pero ngayon, wala na akong ibang choice kundi subukan. "Okay na, guys! Baka makita tayo ni Katrina," sabi ni Lyka habang nililinga-linga ang paligid, tila may iniiwasang mapansin kami. "Practice na kayo para mamayang gabi." Nagkatinginan ang mga dancers, at parang awtomatikong nagsi-alisan papunta sa kani-kanilang spot. Ramdam ko ang bigat ng pangalan ni Katrina, kaya hindi ko napigilang magtanong. "Sino si Katrina?" tanong ko, bahagyang inilapit ang ulo ko kay Lyka para hindi marinig ng iba. Napangisi siya, pero hindi ito ‘yung tipong nakakatawang ngiti—mas parang mapanuksong babala. "Siya ang may-ari ng bar." Bumaba ang boses niya, parang gusto niyang siguruhing walang ibang nakakarinig. "Pero hindi lang basta may-ari, Chas. Siya ang reyna ng lugar na ‘to. Ang bawat galaw dito, dumadaan sa kanya. Walang pwedeng sumuway sa gusto niya." May kung anong lamig na gumapang sa balat ko. "Mabait ba siya?" tanong ko, kahit may hinala na ako sa sagot. Umiling si Lyka, sabay hinila ako palapit sa isang gilid. "Katrina is not someone you mess with," bulong niya, seryoso na ang tono. "Kung tingin mo mahigpit si Captain Zillman sa airline mo dati? Si Katrina, ibang klase. Wala siyang pakialam kung sino ka o kung anong pinagdadaanan mo. Ang mahalaga lang sa kanya—pera, performance, at kapangyarihan." "Kapag nagkamali ka sa kanya?" nag-aalangan kong tanong. "Depende," sagot ni Lyka. "Kung maliit na pagkakamali lang, pagsasabihan ka. Pero kung malaki? Mawawala ka rito bago mo pa mapansin." Nanlaki ang mata ko. "Ibig mong sabihin—" "H’wag ka nang magtanong," putol niya sa akin. "Basta tandaan mo lang ‘to: H’wag kang makakabangga kay Katrina. Dahil kung gagawin mo, mas gugustuhin mo pang bumalik kay Zillman kaysa maranasan ang galit niya." Napalunok ako, habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Ano bang pinasok ko? Pumwesto kami sa main dance floor, kung saan may malaking salamin sa harapan. Nakatingin ako sa sarili kong repleksyon, sinusubukang kalmahin ang kaba sa dibdib ko. Sa tabi ko, si trois—ang lalaking dancer na may kumpiyansang kilos at mapanuksong ngiti. "Relax," sabi niya, bahagyang nilalapit ang katawan sa akin. "H’wag kang matakot sa salamin. Dapat kilala mo ang sarili mong katawan kapag sumasayaw ka." "Hindi naman ako takot," sagot ko, pero halata sa boses kong kinakabahan ako. Tumawa siya nang mahina. "Yeah? Then bakit parang ang tigas mo gumalaw? Para kang robot." Napairap ako. "Baguhan pa lang ako rito, okay? Hindi ko pa kabisado ang galawan ninyo." "I can help you with that," sagot niya, at bago ko pa ma-react-an ang sinabi niya, hinawakan niya ang baywang ko. Nagulat ako. "Ano—" "Relax," bulong niya. "H’wag kang matakot sa hawak. Dito sa trabaho natin, importante ang body control. Kung hindi mo kontrolado ang sarili mong katawan, hindi ka makakagalaw nang natural." Napalunok ako. Alam kong totoo ang sinasabi niya, pero hindi pa rin ako sanay sa ganitong lapit. "Okay," sagot ko, pilit pinalalaya ang sarili sa kaba. "Sige," aniya, "sumabay ka sa akin." Sinimulan naming sumayaw. Mabagal sa simula—isang galaw ng balakang, isang kilos ng kamay, isang tiklop ng katawan. Pero habang tumatagal, nararamdaman kong lumalambot ang mga galaw ko, nagiging mas madulas, mas natural. "Ayun," sabi ni Trois, nakangiti. "Mas gumaganda na ang flow mo." "Talaga?" tanong ko, nakatingin sa sarili ko sa salamin. "Oo," sagot niya. "Pero kulang pa ng isang bagay." Tumingin ako sa kanya. "Ano?" "Eye contact," bulong niya, sabay lapit pa lalo. "Kapag sumasayaw ka, hindi lang katawan ang ginagamit mo. Mata mo rin. Dahil minsan, sa isang tingin lang, kaya mong kontrolin ang manonood." Napalunok ako ulit. "Sige nga," hamon niya. "Subukan mong titigan ako habang sumasayaw ka." Nagkatinginan kami, at sa unang segundo pa lang, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng focus. Napaka-intense ng titig niya—mapanukso, parang inaakit ka nang hindi mo namamalayan. Pero hindi ako puwedeng umatras. Kailangan kong matuto. Kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang patuloy kaming sumasayaw. Galaw, titig, hinga. Paulit-ulit. Hanggang sa unti-unti kong naintindihan—hindi lang ito basta sayaw. Isa itong laro ng kapangyarihan. At kung gusto kong magtagumpay dito, kailangan kong matutong makipaglaro. Nagpatuloy lang kami sa pagsayaw ni Trois, sinasanay ko ang sarili sa ritmo ng musika at sa senswal na galaw na hindi ko pa lubusang kabisado. Nasa zone na ako, nararamdaman ko na ang fluidity ng katawan ko, nang biglang— Pumalakpak. A b a n g a n...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD