PATULOY lang sila sa pag-uusap hanggang sa hindi namalayan ni Clio na nasa hacienda na sila. At nakita nila ang mga kaibigan na naghihintay sa kanila. Naunang bumaba ng kabayo si Zir at inilihad nito ang kamay kay Clio upang alalayan siya na makababa. Agad naman tinanggap ni Clio ang kamay nito. Tila mayroon na kuryenteng tumama sa kanyang kamay. Ma-ingat siyang ibinaba ni Zir. Nang makababa na siya ay sinalubong sila ni Nera. "Ehem... Ang tagal niyo naman," bulong sa kanya ni Nera sabay tingin nito ng kaduda-duda sa kanila. Napalunok si Clio ng tila hinuhuli sila. "Anong sinasabi mo diyan? Gutom ka lang," dahilan niya kay Nera. "Ahh... Wala naman. Nagugutom na ako. Akala namin ay wala pa kayong balak bumalik." Sabay rolyo ng mata ni Nera. "Sus... Baka naman may namumuong pagkaka-ibi

