"Z-Zir?" banggit ni Clio sa ngalan nito. Hindi siya sinagot ni Zir bagkus ay nagtanong ito sa kanya. "Bakit ganyan ang suot mo?" walang emosyong tanong ni Zir sa kanya. Tinaggal ni Clio ang braso ni Zir sa kanyang beywang. Lumayo siya ng bahagya. Malaking tanong ang nasa isip niya ngayon. "Okay ka lang ba?" Sabay tawa niya ng peke. "Wala kasi akong dalang swim suit kaya pinahiram ako ni Nera," paliwanag niya naman kay Zir. Bakit ba ko nagpapaliwanag sa kanya? "Hindi mo ba napapansin na pinagtitinginan ka dahil sa suot mo. Kulang nalang ay hubaran ka nila sa isip nila," may halong pagka-inis na sabi ni Zir sa kanya. Hindi alam ni Clio kung bakit bigla siyang nainis sa sinabi ni Zir pero at the same time, feeling niya may care ito sa kanya. "Ano ba dapat kong suotin? Mag-jacket? Naka-

