MAKALIPAS ang tatlong buwan. Wala ng balita si Clio kay Zir. Matapos ang tatlong araw na bakasyon nila sa hacienda ay wala na siyang balita dito. Wala man siyang balita dito ngunit nakakatanggap naman siya ng bulaklak. Kahit wala namang pangalan ito ay alam niya na kay Zir ito galing. Paanong hindi niya malalaman kung panay ang sorry ang nakalagay sa papel. Nalulungkot si Clio dahil tingin niya sa ginagawa ni Zir na pagpapadala ng bulaklak ay bilang paghingi lang ng sorry sa kanya sa nangyari sa hacienda. Ngunit hindi siya papadala sa ginagawa nito. Hindi ako magpapadala sa mga pagsuyo niya... "Sis, punta tayong bar mamaya. Pampatanggal stress lang. Hihi," yaya ni Nera. "Ikaw nalang. Wala akong sa mood ngayon," dahilan niya kay Nera. "Huwag ka na tumanggi. After work natin. Magsasaya

