KINABUKASAN ay hindi muna pumasok si Izaiah sa opisina. Pumunta ito sa hospital kung saan na-confined si Camille. Dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng mga pulang rosas na ibibigay kay Camille. Daig pa niya ang aakyat ng ligaw. Parang nakaramdam siya ng kaba. Alam niya kasing posibleng naroon pa ang mga magulang ni Camille sa loob ng silid. Inayos niya ang kuwelyo ng kanyang polo at ang pagkakatupi ng manggas niya na hanggang siko. Marahan siyang kumatok sa pintuan ngunit sakto namang bumukas iyon dahil palabas ang nurse mula sa silid. “Hi, Sir! Nandito na pala ang daddy,” sabi ng nurse. Hindi ito ang nurse kahapon pero, bakit ganoon din ang inaakala nito? Ngumiti na lang siya ng tipid at itinuon ang tingin sa mga tao na nasa loob ng silid. Wala ang mga magulang ni Camille tangin

