NAKATINGIN lang si Camille sa may pintuan umaasa na darating si Izaiah. Mag-iisang linggo na itong hindi nagagawi sa café. Panay na rin ang tanong ni Cyd sa kanya kung nasaan na ang ninong Izaiah nito pero wala siyang maisagot kundi abala lang sa trabaho ang lalaki. Hindi na rin napupunta sa café si Cyd dahil may pasok na ito. Kung kaya’t naiiwan ito sa pangangalaga ni Mildred na yaya nito. Hindi niya maunahan ng pangungumusta si Izaiah dahil nahihiya siya. “Ma’am, may hinihintay po kayo?” tanong ni Grace sa kanyang nang mapansin na tila malalim ang kanyang iniisip. Napasimangot siya na tumingin kay Grace. “Wala ano, hagard look lang kasi marami tayong customers ngayon,” aniya. Tila hindi naman nakumbinse si Grace sa sinabi ng amo. “Mukhang hindi naman ‘yan ang dahilan, Ma’am. Tingin

