TANGHALI na nang makarating si Izaiah sa kanilang head office. Galing pa kasi siya sa site kung saan nakipag-usap siya kay Mr. Vlademir na siyang project manager ng high rise building na kanilang gagawin. Medyo na-delay na ang kanilang project dahil mayroon palang fault line ang nasabing area. Kung kaya’t kinailangan pa nilang humingi ng opinyon sa isang foreign consultant. Akala niya ay hindi na matutuloy ang isa sa pinaka-malaking proyekto nila dahil sa nasabing problema. Si Julius ang pinahawak niya ng nasabing project kaya lang kasalukuyang nasa bakasyon ito kasama ang girlfriend na si Arabella. Napailing siya at napangiti. Noon pa man ay alam na niyang type nito si Arabella. Kaya pala sa tuwing irereto sa kanya noon si Arabella ng kanilang mga magulang ay agad na umaalis si Julius a

