CHAPTER 22

2320 Words

PAGKATAPOS nilang sumakay sa taxi boat ay nagyaya si Izaiah na pumasok sila sa isang native Filipino Restaurant baka raw kasi nagugutom na si Cyd. Ngayon lang nila nakasama ng ganito katagal si Izaiah at ngayon lang din nakita ni Camille kung gaano kasaya ang kanyang anak. Magkatabi si Izaiah at Cyd sa upuan samantalang sila naman ni Grace ang magkatabi. “Anong order niyo?” napatingin sa kanya si Izaiah. “Ah, siguro sinigang na bangus sa akin paborito ko kasi ‘yon, eh.” “Okay..ano pa? Ikaw Grace anong order mo? Huwag kang mahihiya, ha.” “Ay! Hindi po ako nahihiya, o-order talaga ako,” pagbibiro nito. Nagtawanan sila. “Ninong, I want ice cream, too,” hirit ni Cyd. “Okay, sige..sige. Ano pa’ng gusto mo?” tanong ng lalaki habang abalang nakatingin sa menu. Hindi maiwasan ni Camille ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD