MAAGANG umalis ng café sina Camille. Hindi na rin ito tumanggi na ihatid sila ni Izaiah pauwi, dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng takot nang makita niyang muli si Cassandra. Nagtaka si Camille nang mapansin na ibang daan ang tinatahak nila imbes na pauwi sa kanilang bahay. “Teka sa’n tayo papunta?” tanong niya kay Izaiah na abala sa pagda-drive. “Pasyal lang tayo, okay ba ‘yon? Cyd, ‘di ba gusto mong mamasyal?” tiningnan nito sa rearview mirror si Cyd na nasa likuran kasama si Grace. “Yes! Ninong,” tugon naman ng bata. “Pero, ‘di ba sabi ko uuwi na tayo?” anang si Camille na pinagtaasan ng kilay si Izaiah. “Hayaan mo nang makapag-relax naman kayo. First time lang natin mamasyal pagbigyan mo na si Cyd,” ani Izaiah. Duda si Camille kung para kay Cyd ba talaga ang pam

