CHAPTER 20

2260 Words

KASALUKUYANG nasa opisina si Camille nang biglang kumatok si Grace at agad na pumasok. “Ma’am, punta po kayo sa labas nagkakagulo doon,” anang si Grace. Agad siyang napaangat ng tingin mula sa pagtitipa sa kanyang computer. “Bakit? T-teka si Yaya at si Cyd nasaan?” alalang tanong niya. “Huwag kang mag-alala, Ma’am, andito na sila,” anang si Grace na nilingon ang pintuan. Agad namang pumasok ang yaya at kasama nito si Cyd. “Yaya, dito lang muna kayo ni Cyd. Huwag kayong lalabas hangga’t ‘di ko sinasabi, okay?” bilin niya. “Yes, Ma’am,” tugon naman nito. “Grace, bakit daw nanggugulo?” muli niyang baling kay Grace. “Ma’am, ang totoo si Cassandra nand’yan siya sa labas,” pabulong na sabi ni Grace sa kanya. Biglang tumahip ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi para sa sarili niya kundi par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD