NAKAHAWAK sa kamay ni Izaiah si Cyd habang naglalakad sila papuntang elevator. Nagulat si Camille nang biglang hawakan din ni Cyd ang kamay niya. Magkakahawak kamay na tuloy silang tatlo. Hinihila niya sana si Cyd para bumitiw ito sa pagkakahawak kay Izaiah pero mas lalo lang nitong pinaglapit silang dalawa. Nakaramdam siya ng pagkailang kung kaya’t siya na lang ang kusang bumitiw. “Sasakay po tayo d’yan?” tanong ni Cyd nang bumukas ang elevator. “Yes,” nakangiting tumango si Izaiah kay Cyd. Nauna nang pumasok si Camille sa elevator at hinintay pa nila kung may sasabay pang iba. Mayamaya ay may pumasok na dalawang lalaki. Umisod siya ng kaunti sa tabi ni Izaiah nang may pumasok ulit na dalawang babae pa. Lihim na napataas ang kanyang kilay dahil ang isa sa mga ito ay halos lumuwa na

