MATAMANG tiningnan ni Izaiah ang mga dokumento sa kanyang harapan na inabot sa kanya ni Julius habang napaupo ito sa upuan sa harap ng kanyang mesa. Umangat ang kanyang tingin mula sa dokumento, napangiti siya sa kapatid. “Good job! Ikaw na ang humawak ng project na ‘to may tiwala ako sa’yo.” Isa itong 36th story high rise building na na-award sa kanila kamakailan lang. “Kuya, sa tingin mo kakayanin natin ‘to? Andami na nating hawak na project baka mapabayaan na natin ‘yong iba.” May pag-aalinlangan sa tinig ni Julius. Hindi pa kasi ito sanay sa ganitong trabaho. Isa itong artist at ngayon lang ito nasabak sa ganitong klaseng negosyo. “Kaya mo ‘yan. Basta ‘wag kang aalis sa tabi ko magtulungan tayo, isa pa malapit nang maka-recover si Dad,” aniya na pinapalakas ang loob ng kapatid.

