“Izaiah, ako ‘to si Myra Montenegro. Naalala mo na ba? Madalas kita makita sa bar noon, doon din ako nagtatrabaho bilang isang female bartender. At ang hindi ko makalimutan ay no’ng minsan ay pinagtanggol mo ako sa isang customer na nambastos sa akin. Napatingin si Izaiah sa mukha ng babae, bagama’t malaki ang pinagbago ng itsura nito pero ngayon ay naalala na niya. Flashback Lumapit ang isang customer at nag-order ito nang alak. Subalit nang makalapit ito sa babae ay bigla nitong hinipuan sa maselang bahagi ng katawan ang babaeng bartender na kitang-kita naman niya. Patuloy siya na nakamasid hanggang sa nakita niyang natatakot na ang babae. Alam niyang kilalang personalidad ang lalaking ito at maging ang may-ari yata ng bar ay kaibigan nito. Pero hindi siya nag-atubili na lapitan ito a

