BIGLANG pumasok si Camille sa kanyang opisina nang makita niyang paparating si Izaiah. Ilang minuto rin siyang nagmukmok sa loob. Ayon kay Grace ay halos araw-araw din daw itong pumupunta. Pero siya naman ay madalaang na kung bumisita sa cafe. Tuwing weekend lang siya pumupunta kapag kasama si Cyd dahil iyon naman ang schedule ng dalaw ni Ivan sa anak. Nagalit pa nga ang kanyang daddy nang ipagtapat niya ang totoo na nalaman na ni Ivan ang tungkol kay Cyd. Kaya, wala na naman siyang kakampi ngayon dahil sumama na naman ang loob ng mga ito sa kanya. Pero dahil sa gusto rin ni Cyd na makasama ang ama ay pumayag na rin ang kanyang mga magulang sa kanilang set-up. Pumapayag din siyang sunduin nito ang bata sa eskwelahan at ipasyal sa malapit. Pero hindi muna niya pinapayagan na magtagal si C

