HALOS halughugin ni Izaiah ang buong gusali para makita si Camille pero hindi niya pa rin ito makita. Napabuntong-hininga siya at umupo na lang muna sa lobby. Gusto niyang magpaliwanag sa nobya na mali ang nakita nito. Hindi siya mapakali dahil first time ito nangyari sa kanila. Pero nabuhayan siya ng loob nang makita niya itong lumabas ng elevator. Agad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap. “My goodness! Saan ka ba nanggaling, sweetheart?” Niyakap niya ito nang mahigpit pero unti-unti itong kumalas sa kanya. Nakaramdam siya ng takot at pag-aalala. Ayaw niyang magalit sa kanya ang babae. “Please, Camille, pakinggan mo muna ako.” Tumingin siya sa mukha nito at napansing niyang namumugto ang mga mata nito. “Sweetheart, magpapaliwanag—” “Ano bang ipaliliwanag mo, huh? Kitang-kita ko

