NAKAPAMULSANG naglalakad si Jethro sa pasilyo. Patungo sana siya sa cafeteria para kumain, kanina pa kasi kumakalam ang kanyang sikmura. Kung kailan naman kasi naging girlfriend si Camille ng kuya niya saka naman hindi na pumayag ang kuya niya na tanggapin palagi ang inaalok ni Camille na libreng pagkain sa café. Nakakahiya daw kasi kay Camille. Pero naisip niyang baka siya lang ang hindi libre. Napatingin siya sa kabilang dulo ng pasilyo. Umarko ang isang sulok ng mga labi nito nang makita si Jennivie. Tila seryosong nakikipag-usap ito sa cellphone. Humakbang pa siya papalapit dito . Ngunit nang malapit na siya ay bigla siyang natigilan sa kanyang narinig. “Ate Cassandra, sa totoo lang kayang-kaya ko namang gawin ‘yang pinapagawa mo, pero sa parang gusto ko. Actually, hindi ako mahihir

