NAGTAKA si Camille kung bakit ibang daan ang tinatahak nila imbes na pauwi sila ng bahay. “Teka, saan ba tayo pupunta?” takang tanong niya. Pero sa halip na sagutin siya ay tiningnan lang siya nito at ipinagpatuloy lang nito ang pagmamaneho. Mayamaya pa ay pumasok sila sa area kung saan nakatira si Izaiah. “Bakit dinala mo ako rito? Akala ko ba ay ihahatid mo na ako pauwi?” “Gagamutin ko muna ‘yang sugat mo. Gusto mo bang mapagalitan ka ni Tito at masisi ‘yang Ivan mo?” Lalo siyang naiinis dahil palagi nitong idinidikit ang pangalan niya kay Ivan. “Gagamutin mo ang sugat ko tapos pagbibintangan mo akong lalaki ko si Ivan? Kung naniniwala ka talagang lalaki ko si Ivan, bakit hindi mo pa ako dinala rito?” “At ano? Magpapakasaya kayo? Hindi ko mapapayagan ‘yon,” mariing

