CHAPTER 44

2005 Words

AGAD na sinalubong ni Camille si Cyd. Niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi niya lubos maisip kung anong gagawin sakaling totoo ngang nawala si Cyd at may nangyaring masama rito. Hindi niya iyon makakaya. Lihim siyang napaluha pero hindi naging lingid iyon kay Cyd. “Mommy, why are you crying?” tanong ni Cyd. Pinunas niya ang kanyang luha gamit ang kanyang mga daliri. “Wala, baby, na-miss ka lang ni Mommy,” sabi niya habang sinuklay ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri. Napatingin siya kay Ivan na matamang nakatingin din pala sa kanila. Umiwas ito ng tingin at yumuko nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Ayon kay Mildred ay kanina pa ito naghihintay sa kanyang pagdating. Mabuti naman at nagkataong wala ang mommy at daddy niya. Hindi pa rin nito personal na nakakaharap ang kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD