IKA-51 YUGTO “How many times do I have to tell you to take care of her?” salubong ang kilay at pagalit na singhal niya sa kapatid na tahimik lang at nakakibit ang balikat. “Masyadong mabilis ang mga pangyayari, Kuya. We were—” “Damn reasons!” singhal niya at matalim ang na binalingan naman si Leon. Tinawag niya ang dalawa para kausapin, pagkatapos ng gulo kanina ay agad silang bumalik sa kanilang hotel. Tahimik lang si Chelsey sa buong panahon na magkasama nila, natapos na niyang paliguan ito at bihisan nang pantulog ay hindi pa rin ito kumikibo. Posibleng na-trauma ito sa ginawang pag-eeskandalo ni Micah. Hindi niya alam kung paano nitong natunton ang kinaroroonan nila gayung mahigpit ang bilin niyang huwag maglalabas ng kahit na anong headlines at behind the scenes sa mga

