IKA-52 YUGTO

1724 Words

IKA-52 YUGTO   Pagpasok nila sa Hotel na tinutuluyan nila ay halos napunta sa kanila ang tingin ng mga taong naroroon, kahit hindi siya tumingin sa mga ito ay ramdam naman niya ang paninitig ng mga ito. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa elevator, hindi rin siya binaba ni Luigi kahit nang makapasok na sila sa elevator, mabuti na lamang at walang tao nang pumasok sila.   “Puwede mo na akong bitiwan,” sabi niya rito.   “Nope, kaya ko pa naman,” sabi nito at inayos muli siya sa pagkakaangkas sa likod nito.   Sa taglay mong kakisigan, imposibleng hindi mo kayang buhatin ako, sabi niya sa isip niya.   “Nagugutom ka ba?” tanong nito sa kanya habang umaandar ang elevator pataas. “Anong gusto mong kainin?”   Biglang lumabas sa isipan niya ang imahe ng tinolang manok.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD